Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bagong paraan bilang pagdirwang sa Spring Festival

(GMT+08:00) 2011-02-11 17:36:36       CRI

Magandang gabi mga giliw na tagapakinig at maligayang Spring Festival! Ito po si Ramon para sa programang "Mga Pinoy sa Tsina." Ang awiting ito na naririnig natin ay pinamagatang "Maligayang Spring Festival," at sa mga araw na ito, maaaring marinig ang awitin ito kahit saan sa Tsina. Sa trandisyonal na kalendaryong Tsino, ngayong araw ay ika-8 ng unang buwan ng 2011, at ang araw na ito ay tinatawag na Spring Festival.

Ang Spring Festival ay ang pinakamahalagang kapistahan sa Tsina, at ito ay bumibilang na ng libong taong kaugalian. Alam natin na sa Spring Festival, may iba't ibang trandisyonal na akdibidad ang mga Tsino bilang pagdiriwang sa pagdating ng Spring na tulad ng pagsisisndi ng paputok, pagkain ng dumplings, at iba pa. Ngunit, noong nakaraang ilang taon, natuklasan ako na naganap ang ilang pagbabago sa paraan ng pagdiriwang ng Spring Festival. Sa programa ngayong gabi, isasalaysay ko sa inyo ang ilang pagbabago hinggil sa Spring Festival ng Tsina. Sa pamamagitan ng mga ito, malalaman natin ang mga pagbabago sa pagdiriwang ng Spring Festival sa isang modernong Tsina.

Ang unang pagbabago ay: Turismo sa Spring Festival

Sa tradisyon ng Tsina, sa panahon ng Spring Festival, umuuwi ang mga mamamayan sa kanilang kani-kanilang probinsiya para sa pagtitipun-tipon ng buong pamiliya. Ngunit, noong nakaraang ilang taon, nagiging mainit ang "Turismo sa Spring Festival." Ang Tsina ay isang malaking bansa, kaya sa hilaga at sa timog, malaki ang pagkakaiba ng temperatura. Halimbawa, ang Heihe ay isang lunsod sa dakong hilangang silangan ng Tsina, sa panahon ng Spring Festival ng 2011, ang temperatura doon ay bumababa sa -21°. Ngunit, sa Sanya, isang lunsod sa timog ng Tsina, ang temperatura ay 24°. Kaya, sa panahon ng Spring Festival, maraming tao ang pumupunta sa dakong timog ng bansa para sa isang mainit na Spring Festival.

Nitong ilang taong nakalipas, nag-alok rin ng mga ahensiyang panturismo ng espeysal na serbisyo para sa "Turismo sa Spring Festival." Bukod sa mga lunsod sa timog, ang mga malalaking lunsod ng Tsina ay mabilis na nagiging paboritong destinasyon ng mga mamamayan sa panahon ng Spring Festival na tulad ng Beijing, Shanghai, Shenzhen at iba pa. I guess ang Shanghai at Guangzhou ay magiging tampok din sa Spring Festival sa taong ito dahil idinaos kamakailan ang Shanghai ang World Expo at idinaos din sa Guangzhou ang Asian Games.

 

Ang ikalawang pagbabago ay: Pagsasalu-salo sa restawran sa bisperas ng sa Spring Festival Eve

Ang hapunan sa bisperas ng Spring Festival ay isang mahalagang akdibidad sa trandisyon ng Chinese Spring Festival. Nitong libong taong nagdaan tuwing bisperas ng Spring Festival, ang buong pamiliya ay nagtitipun-tipon sa kanilang tahanan at magkakasamang kumakain ng hapunan. Sa hapunang ito, bilog na mesa ang dapat gamitin, dahil sa wikang Tsino, and "hugis bilog" ay suamsagisag sa reunion ng lahat ng miyembro ng pamiliya. Ang mga putahe ay dapat sari-sari at masasarap, at hindi maaaring mawala ang dumplings. Ang hapunang ito ay napakahalagang bahagi ng mga akdibidad sa trandisyonal na Spring Festival ng Tsina.

 

Ngunit, noong nakaraang ilang taon, ipinasiya ng maraming pamiliyang Tsino na kumain ng Spring Festival Eve dinner sa labas ng tahanan. Sa halip na sa kani-kanilang tahanan, ipinasiya nila na kumain nito sa mga restawran. Dahilo dito, ipinalabas ng maraming restawran ang kanilang mga dinner espesyal na para sa Spring Fetival Eve. Pinamamahalaan naman ng mga propesyonal na cook ang espeysal na menu para sa mahalagang araw na ito. Usually, gumagamit ang mga restwuran ng espeysal na number bilang price sa dinner na ito. Halimbawa, 588 yuan RMB para sa isang dinner ng buong pamiliya. Sa wikang Tsino, ang number 5 ay binibigkas na "wu," katulad ng pagbigkas salitang "ako." Ang number 8 naman ay binibigkas na "fa," katulad ng salitang "maging mayaman." Kaya, ang 588 ay binibigyan ng kahulugang "ako ay magiging mayaman." Ito ay best wish para sa bagong taon.

Noong nakaraang dalawang Spring festival, kumain ang pamiliya ni Zhaou ng Spring Festival Eve Dinner sa restwuran. Sinabi niyang ito ay may maraming advantages, sinabi niyang: " ito ay mas masarap kaysa home-made dishes, ito ay maginhawa dahil hindi mo na kailangang maghugas ng mga plato at pinagkainan, at hindi naman ito kamahalan."

Kaya, sa mga panahong ito, pinipili ng mas maraming pamiliya na pumunta na lamang sa mga restawran para sa kanilang magkakasamang hapunan sa Spring Festival.

 

Sa Tsina, ang Spring Festvial ay ang pinakamahalagang kapistahan, at ito ay isang tradisyon na may libu-libo nang kasaysayan. Noong nakaraang ilang taon, kasabay ng pag-unlad ng kabuhayan, lipunan at kultura, nagaganap ang mga pagbabago sa Spring Festival, o sabihin na lang natin na ang matandang Spring Festival ng Tsina ay nakararanas ng isang transpormasyon patungo sa mas modernong pamamaraan.

Datapuwa't nagkakaroon ng pagbabago sa ilang paraan sa pagdiriwang ng Spring Festival, meron ding isang bagay na hindi nagbabago:

ang pagtitipun-tipon ng buong pamiliya. Kumain man ng isang tradisyunal na hapunan sa tahanan, o lumabas at kumain sa restawran, sa panahon ng Spring Festival, lahat ng mamamayang Tsino ay umuuwi para makitang muli ang kanilang mga pamiliya. Dahil sa puso ng lahat ng Tsino, ang damdamin sa pagitan ng mga miyembro ng pamiliya ang pinakamahalagang bagay. Ito ay isang trandisyon na hindi magbabago.

Ok. Diyan nagtatapos ang espesyal na programang ito para sa Spring Festival. Ito po si Ramon, maraming salamat sa inyong pakikinig, at maligayang Spring Festival sa iyong lahat.

 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>