|
||||||||
|
||
Rhio: Magandang magandang gabi po sa lahat ng ating mga katoto at kasangga sa lahat ng dako ng daigdig. Ito po si Rhio, kasama si Joshua at Lele, at welcome po kayo sa programang "Mga Pinoy sa Tsina."
Joshua: Ako naman po si Joshua. Magandang gabi po mga kaibigan at walang-sawang mga taga-subaybay. Stay-put lang po kayo at samahan ninyo kami sa aming inihandang programa ngayong gabi.
Lele: Halina at pag-usapan natin ang mga mahahalagang isyu at pangyayari hinggil sa mga Pinoy sa Tsina. Ito po si Lele. Welcome po at magandang gabi.
Joshua: Ang topic po natin ngayong gabi ay ang paglisan ni Ambassador Francisco Benedicto sa pwesto bilang embahador o sugo ng Pilipinas sa Tsina.
Rhio: Oo. Medyo nalulungkot nga tayo sa nalalapit na paglisan ni Ambassador Benedicto bilang embahador ng Pilipinas dito sa Tsina.
Joshua: Oo nga eh, nalulungkot din ako dahil naging mabuti si Ambassador sa Serbisyo Pilipino ng CRI.
Lele: Tama kayo diyan, mga kapatid. Talagang napakabait ni Ambassador Benedicto sa CRI.
Rhio: Mga kapanalig, kamakailan ay nagkaroon po ng kaunting pagtitipon sa Embahada ng Pilipinas sa Tsina, bilang pagbibigay-karangalan na rin kay Ambassador Benedicto bago siya umuwi ng Pinas. Nagkaroon din po kami ng pagkakataon sa nasabing pagtitipon upang kapanayamin ang butihing embahador.
Joshua: Tama ka diyan, Rhio. Pakinggan natin ang kanyang saloobin tungkol sa kanyang pagbabalik-Pinas.
Lele: Heto't pakinggan natin.
(Audio play: Franciso Benedicto regarding his feelings)
Lele: Tama din naman na magpahinga muna si Amba upang siya'y gumaling sa kanyang sakit. Matagal na din siyang naging embahador ng Pilipinas sa iba't ibang bansa, at malamang name-miss na din niya ang kanyang pamilya.
Rhio: Ah, iyon naman pala ang dahilan ng kanyang paglisan.
Joshua: Oo. Siyempre, kailangan din naman niyang magpahinga at magbakasyon para naman mag-relax at makasama ang pamilya.
Rhio: Oo. Iba kasi ang pakiramdam kapag nakakasama at nakakasalamuha ang pamilya. Ito rin kasi ay isang napakaimportanteng sangkap ng bonding ng pamilyang Pilipino.
Lele: Sang-ayon ako diyan mga kapatid. At sa palagay ko, bawat isa sa atin ay kailangan ding magbakasyon at makasama ang ating mga mahal sa buhay, kahit once in a while o paminsan-minsan.
Joshua: Pakinggan naman natin ang memorable experience ni Ambassador Francisco Benedicto sa Beijing China.
(Audio play: Memorable experience and greatest contribution)
Rhio: Totoo nga naman na sa kanyang termino ng pagiging Ambassador, maraming ng problema ang dumaan ngunit nahanapan pa rin ng paraan ni "Amba."
Lele: At sabi nga niya, patuloy niyang ipo-promote ang relasyong Tsina-Pilipinas kahit nasa Cebu na siya.
Joshua: Ika nga'y malayo man ay parang malipit na din. At siyempre, nag-iwan ng mensahe ang ating ambassador sa mga tagapakining ng CRI at sa mga kababayan. Heto't pakinggan natin.
(Audio play : Ambassador Benedicto)
Rhio: Ayan! Kaya, sa lahat po ng pupunta sa Cebu, sabihan ninyo si Ambassador Benedicto para kayo'y mapaghandaan niya ng red carpet pagbaba ninyo ng eroplano. Hahaha
Joshua: Ano Lele, kailan tayo pupunta? Sagot lang natin plane ticket o bahala na si "Amba?" Haha
Lele: As soon as possible. Ite-text ko kaagad si "Amba." Haha Ay! gusto po pala naming magpasalamat kay "Amba" sa kanyang pag-anyaya sa amin sa salu-salong naganap kamakailan, para sa kanyang pag-alis at kaarawan.
Joshua: Oo nga pala, salamat po "Amba" at sa mga tao ng embahada sa paghanda ng isang salu-salo. Natuwa ako dahil marami akong nakilalang mga kababayan nating nagtratrabaho sa Beijing. At napahanga ako sa galing ng mga Pinoy na kumanta, sumayaw at tumugtog sa araw na iyon.
Lele: Nagustuhan ko rin iyong mga tugtog at sayawan, pero ang nakaagaw ng pansin sa akin ng gabing iyon ay ang mga magandang plato sa bangkete, na animo'y mga platong ginamit ng mga "Nyonya" o "Cina Peranakan" na naninirahan sa Malacca.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |