|
||||||||
|
||
Joshua: Magandang magandang gabi po sa lahat ng ating mga kaibigan. Ito po si Joshua, kasama sina Rhio at Andrea, sa ating programang "Mga Pinoy sa Tsina."
Rhio: Ako naman po ang inyong katoto at kasangga, si Rhio. Samahan po muli ninyo kami sa isa na namang kawili-wiling usapan na inihanda naming para sa inyo.
Andrea: Ito po si Andrea. Welcome po ulit sa programang maka-Pinoy at may pusong Pinoy, at sa gabing ito, napakasarap ng aming inihandang programa para sa inyo.
Rhio: Malalaman po ninyo mamaya kung bakit sinabi ni Andrea na "napakasarap" ng aming inihandang programa At para ipaliwanag iyan, narito po si Joshua. Joshua, ikaw
Joshua: Tama po ang sinabi ni Rhio, dahil ang topic natin ngayong gabi ay tungkol sa mga dumlings or "jiaozi" kung tawagin sa Chinese. Rhio, Andrea, naaalala pa ba ninyo nang unang beses kayong makatikim ng dumplings o jiaozi? Ako kasi, hindi ko na maalala eh. Since gradeschool pa kasi, madalas na kaming dumalaw sa Tsina.
Rhio: Aba! Siyempre naman! Alam po ninyo mga giliw na tagasubaybay, isa sa mga paborito kong pagkain ay ang dumplings, at kahit noong nasa gradeschool pa ako ay lagi na akong kumakain niyan. Naaalala ko pa nga noong maliit pa ako, lagi akong isinasama ni tatay sa isang Chinese restaurant sa Tarlac at kumakain kami ng pansit at dumplings doon Hehehe… Eh, ikaw Andrea, naaalala mo pa ba kung kalian ka unang nakakain ng dumplings?
Andrea: Hindi ko na rin maalala Rhio. Kasi dito sa Tsina, karaniwang pagkain ng mga mamamayan ang dumplings. Kaya, mula nang maliit pa ako, kumakain na rin ako ng pagkaing iyan. Pero, masarap ang dumplings at isa rin iyan sa mga paborito kong pagkain
Rhio: Eh, hindi ba mayroon ding iba't-ibang palaman o fillings ang dumplings? Ano naman ang mga gusto ninyong fillings?
Joshua: Marami akong gusto eh. beef and chive, pork and shrimp …
Andrea: Ako naman, ang paborito ko ay iyong may filling na leek o kahit anong uri ng gulay. Mas healthy kasi kapag vegetable dumplings Pero iyong gusto kong luto ay steamed or boiled. Masyado kasing mamantika iyong fried, pero parehong masarap iyan. Hehe…
Joshua: Hep hep… mamaya na natin pag-uusapan iyan. Maiba naman tayo, gusto ko kasi munang malaman kung saan talaga nanggaling itong jiaozi/dumpling, at kung anong mga tradisyon ang mga may kinalaman dito.
Rhio: Tama ka diyan Joshua, para hindi tayo gutumin O sige. Paano ba talaga ito nag-umpisa ang pagggawa at pagkain ng dumplings? Mukhang malalim ang ugnayan nito sa kulturang Tsino, hindi ba?
Joshua: Ang alam ko lang kasi na tradisyon ay ang pagkain nito tuwing Spring Festival.
Rhio: O sige. Si Andrea ang tanungin natin. Maaari mo bang ipaliwanag sa amin ang history nito, Andrea?
Andrea: Akala ko hindi na ninyo ako tatanungin eh Hehehe… Jiao er ang tawag noon sa jiao zi. Noong unang panahon, may isang doktor na nagngangalang Dr. Zhongjing Zhang. Isang winter, habang naglalakad papauwi si Dr. Zhang, nakakita siya ng mga maralitang kababayan na ang mga tenga'y malapit nang maging yelo dahil sa lamig. Noon kasing panahong iyon, marami ang namamatay dahil sa lamig. Malungkot na malungkot si Dr. Zhang sa kanyang mga nakita.
Rhio: Eh, ano naman ang ginawa niya para matulungan iyong mga pobreng kababayan?
Joshua: Oo nga. Ano ang nangyari, pagkatapos?
Andrea: Dahil dito, nagluto si Dr. Zhang ng pagkaing gawa sa dinikdik na karne ng kambing, sili, at gamot na binalutan ng balat ng tinapay na hinugis tenga, kung saan nanggaling ang salitang jiao er (delicate na tenga), at pinakuluan sa tubig. Nang kainin ito ng mga may sakit, uminit ang kanilang pakiramdam, at ito ang kanilang kinain hanggang sa bagong taong. Kaya't bawat bagong taon ay kumakain ang mga Tsino ng jiaozi.
Joshua: Na-touch naman ako sa kuwento na iyon.
Rhio: Oo. Ako rin. Eh, anu-ano naman ang mga kagauliang sa pagkain nito?
Joshua: Kailan madalas kinakain at iba pa.
Andrea: Well, ang dumplings ay nakaugalian nang kainin ng mga Tsino tuwing hating-gabi ng unang araw ng Spring Festival at winter solstice, pero masarap din itong kainin bilang pang-araw-araw na putahe
Rhio: Oo. Noong bagong dating ako rito sa Beijing, araw-araw akong kumakain niyan Paborito ko kasi iyan!:) Hehehe…
Joshua: Grabe naman Pero, masarap talaga ang dumplings at puwede mo nang ulamin eh
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |