Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ang currency ng Tsina

(GMT+08:00) 2011-03-30 18:23:37       CRI

J:Magandang gabi, mga giliw na tagapakinig! Ito si Joshua, kasama si Rhio, para sa programang Mga Pinoy sa Tsina .

R: Magandang gabi mga giliw na tagapakinig! Ito si Rhio, at ngayong gabi, ako ang makakasama ni Joshua para talakayin ang isa na namang kawili-wiling paksa .

J: Tama. Ngayong gabi ay ihahandog po sa atin ni Rhio ang isang interesting na topic, at sa palagay ko ay magugustuhan po ninyo ito.

R: Tama! Actually, ito ang gusto ng lahat eh

J: Pera ba iyan?

R: Oh, ang galing mo ah Hehehe… Ang pag-uusapan natin ay ang currency ng Tsina. Heto mayroon akong 100 yuan RMB.

 Codes sa RMB upang malaman ng mga visually impaired ang halaga ng pera

J: Para sa akin ba iyan? Salamat, maraming salamat ah

R: Uy! Hindi ah. Akin ito Hehehe… Pinapakita ko lang kasi mayroong kakaibang bahagi ang RMB.

J: Eh, ano naman ang intersadong bahagi sa perang ito?

R: Ah, posibleng hindi familiar ang ating mga tagapakinig sa currency ng Tsina, kaya, ide-describe ko muna.

J: Sige. Pagkatapos, akin na iyan ah? Hehehe…

R: Hindi ah. Akin ito Hahahaha… Ililibre na lang kita mamaya Hahahaha… Okay. Sa perang ito, may isang imahe ni Chairman Mao Zedong, at number 100. Ang kakaibang bahagi ay ang mga linya na nasa kanan at pinakailalim na parte nito.

J: Ah, oo nga. Para saan naman ang mga linyang ito?

R:Hawakan mo.

J:Medyo magaspang.

R: Tama. Tingnan mo naman ngayon itong mga linya sa ibang denomination ng RMB. Lahat ng denomination ay may linya hindi ba?

J: Tama ka. Ito ba ay isang uri ng Brail System?

R: Bravo, Joshua! Puwede ka nang maging isang manghuhula Hehehe… Isa itong disenyo para sa mga bulag para malaman nila kung magkano ang hawak nilang pera.

J:Maganda iyan ah Pero, paano mo naman nalaman iyan?

R: Magandang tanong iyan. Actually, nagsimula iyan sa kalsada.

J:Eh, ano naman ang relasyon ng pera, kalsada, at bulag?

R: Ah, ganito iyan. Madalas kasi akong mamasyal dito sa Beijing para maghanap ng mga kuwento para sa ating mga tagapakinig. Minsan, naglalakad ako sa kalsada at napansin ko ang mga yellow na linya dito. Noong noong una, akala ito ay mga disenyo lamang sa kalye para magmukhang mas magandang tingnan. Lahat kasi ng mga kalsada dito sa Beijing ay mayroon nito. Na-curious ako sa tunay na dahilan ng pamahalaan ng Tsina sa paglalagay ng mga ito. Dahil diyan, kinapanayam ko ang isang Tsinong nagtatrabaho rin dito sa CRI para ipaliwanag kung ano talaga itong mga orange na linyang ito. Heto ang sinabi niya:

(Andrea)

J: Ah, so, ang disenyong ito sa kalsada ay napakaimportanteng pasilidad pala para sa mga bulag! Ito ang kanilang ginagamit na palatandaan para hindi sila maligaw o madisgrasya kapag sila ay naglalakad ng mag-isa. Siguro, sa pamamagitan ng suwelas ng sapatos o tsinelas, cane o tukod, nararamdaman ng mga bulag ang tamang direksyon sa pamamagitan ng pagdama sa magaspang na ibabaw ng mga espesyal na yellow bricks na ito.

R: Tama! Sinusuportahan ng pamahalaan ng Tsina ang maraming proyekto para sa mga bulag? Bukod diyan, mayroon pang intersadong lugar.

J: Talaga? Saan? Sama ako Hehehe…

R: Sige. Pupunta tayo doon minsan. Iyong tinutukoy ko ay massage center! Ngunit, ito ay isang espeysal na massage center dahil lahat ng mga massager ay bulag.

J: Ah talaga? Nagpamasahe ka ba doon?

R: Aba! Siyempre!

J: Aba! Nakakainggit ka naman. Kailangan ay dalhin mo rin kami doon Hahaha…

Ang Beijing Tai Kang Yuan

R; Hehehe… Oo naman Ang pangalan nga pala ng massage center ay "Beijing Tai Kang Yuan," malapit lang dito yan sa CRI. At habang nandoon ako, ininterview ko na rin iyong ating kaibigang masahista diyan. Heto ang sabi niya:

(Narito ang sinabi ni Zhang Wei, isang blind massager at isa sa mga nagging kaibigan ko sa massage shop:

Rhio: Ano ang masasabi mo sa iyong trabaho?

Zhang: Masaya ako, dahil may trabaho ako at kumikita sa sariling sikap ko. Para sa akin, kaya kong suportahan ang aking sarili at hindi na kailangan pang umasa sa aking pamilya, kaibigan at lipunan. Kaya, gratified ako.

Rhio: Kailan ka nagsimula sa iyong trabaho bilang isang massager?

Zhang: Nagsimula ako noong 2003. Pagkaraan kong matuto ng massage sa paaralan, naipasa ko ang eksam at kinuha ang sertipikasyon bilang mataas na massager.

Rhio: Anong masasabi mo sa mga pasilidad at patakarang ibinibigay ng bansa?

Zhang: Maraming salamat sa pamahalaan dahil binibigyan nila kami ng totoong tulong para makapamuhay ng may dignidad na tulad ng karaniwang tao.

Rhio: Sa mga bulag na tao, gaano karami ang nagtatrabaho bilang massager?

Zhang: Mga 70%, ang iba naman ay nagtatrabaho bilang piano tuner.

Rhio: Ano naman ang inaasahan mo para sa iyong hinaharap, at para sa mga bulag na tao, anong aspekto ng inyong pamumuhay ang gusto mong itawag-pansin sa pamahalaan at lipunan?

Daanan ng mga bulag sa mga kalsada ng Beijing

Zhang: Sana, bigyang-pansin din ng pamahalaan ang aming pangangailangan sa pag-aasawa. Sana ay magdaos ng mga salu-salo para makakilala kami ng maaari naming mapangasawa. Hinihiling ko rin sa pamahalaan na magbigay-tulong sa mga baldadong tao sa pagtatatag ng pamilya, upang maging mas mabuti at de-kalidad ang pamumuhay namin.)

J:Ah, mabuti naman at masaya siya sa kanyang trabaho at sa mga tulong na binibigay ng pamahalaan sa kanya.

R: Bukod kay Mr. Zhang, nakipag-usap din ako sa boss ng massage center na ito. Hindi siya disabled, pero nasa industriya siya ng pagmamasahe sa loob ng mahigit 10 taon. Gusto mo bang marinig ang kanyang kuwento?

J: Siyempre naman, pero, mukhang kapos na tayo sa oras Rhio. Sa susunod na linggo na natin siguro ipagpapatuloy ang ating kuwento hinggil sa blind massager center na ito. Hehe.

R: Okay, sige. Mga giliw na tagapakinig, sa susunod na linggo, ipagpapatuloy natin ang kuwentong ito.

J: Diyan po nagtatapos ang programang nating Mga Pinoy sa Tsina sa gabing ito, maraming maraming salamat, Ito si Joshua.

R: Ito naman po si Rhio, at kung mayroon po kayong suggestions, comments o kahit anumang reaksiyon hinggil sa aming programa ngayong gabi, huwag po kayong mag-atubiling sumulat sa amin, sa: filipino_section@yahoo.com o mag-iwan ng mensahe sa ming message board sa: Filipino.cri.cn. Magandang gabi po

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>