|
||||||||
|
||
Maligayang araw ng mga bata, Happy Children' s Day! Ano ang ginagawa ng mga bata para ipagdiriwang ang araw ng mga bata.
Idinaos kamakailan lamang sa Lunsod ng Shenyang, probinsya ng Liaoning ang ika-4 na "Ni Hao Philippines" na pinangunahan ng embahada ng Pilipinas sa Beijing sa tulong ng Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina, Liwayway Marketing Corporation, at iba pang may kinalamang panig.
Puwede pakinggan ang aming programa sa radyo: ——>
Madaming aktibidad ang inihanda ng programang ito na talaga namang ikinatuwa hindi lamang ng mga kabataang Tsino, pa din ng mga kabataang Pinoy na nakilahok sa "Ni Hao Philippines". Kitang-kita sa kanilang mga mukha ang mga ngiting talaga namang napakaginhawa sa pakiramdam.
Mga batang Tsino
Mga batang Pinoy
Ipinakilala sa programang ito ang mga kulturang Pilipino upang lalong makilala ng mga kabataang Tsino ang mga Pinoy, tulad nalang ng pagmamano, ang larong pahabaan ng tali, ang sayaw na "kamusta kamusta" at ang itinuro din sa mga bata ng salitang Filipino tulad nalang ng salitang "Mabuhay".
Hindi lang iyan, nagbigay din ng mga libro ang embahada ng Pilipinas na buong kagalakan namang itinanggap ng panig Shenyang. Ilan sa mga librong ito ay may kinalaman sa mga pambatang alamat ng Pilipinas na talaga namang ikatutuwa ng mga kabataan.
Nagkaroon din ng isang aktibidad na kung tawagin ay mail exchange, kung saan una nang nagbigay ng sulat ang mga kabataang Tsino at sa tulong ni Ma'am Myca Fischer, iaabot niya ito sa mga kabataang Pinoy. Umaasa naman silang magsusulat din pabalik ang mga kabataang ito. Maliban sa mga ito, nagbigay din ng mga commemorative envelope ang embahada ng Pilipinas sa Panig Shenyang upang ipagdiwang ang ika-35 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Pilipinas at Tsina.
Mano po!
Ang "Ni Hao Philippines" ay isang proyekto ng embahada ng Pilipinas sa Beijing na naglalayong ipakilala ang wika at kulturang Pinoy sa mga kabataang Tsino upang isulong ang mas malawak na pag-uunawaan ng mga mamamayan ng Pilipinas at Tsina. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na idaraos ang nasabing programa sa labas ng Beijing .
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |