|
||||||||
|
||
Noong Sabado, ang laging tahimik na distrito ng embahada ay naging maingay at buhay. At ito ay dahil sa idinaos na aktibidad na pinangunahan ng Asean Ladies Circle o (ALC).
Ang aktibidad na ito ay ang ASEAN food and handicraft fair. Sa fair na ito, bawat bansang myembro ng ASEAN ay may kani-kaniyang mga booth na kung saan ay nagpapakita ng mga pagkain at handicraft na gawa sa kani-kanilang bansa.
Madami ding panauhin ang dumalaw sa nasabing event at pati mga asawa ng mga embahador ay nagsidatingan na tlaga namang nasiyahan sa mga inihandang mga programa ng ALC, tulad nalang ng paligsahan sa pagsayaw, karaoke at lucky dip na kung papalarin ay maaaring makakuha ng iba't ibang premyo tulad nalang ng souvenirs, maotai whitewine at iba pa.
Ilan sa mga nakita nating binebenta ng Philippine booth ay mga bags na gawa sa abaca at mga pins na may larawan ng jeepney.
Hindi lamang taga-ASEAN na mga bansa ang bumisita dito upang tingnan ang mga pagkain, kagamitan mula sa iba't ibang bansa na maaring bilhin dito sa murang presyo.
Lumahok din sa fair na ito ang asawa ng Chargé d' Affaires ng Embahador ng Pilipinas na si Gng. Chua. Nagkaroon ako ng pagkakataon na kapanayamin si Gng. Chua hinggil sa layunin ng pagdaos ng fair na ito.
Isa sa mga pinakanagustuhan ng mga manonood sa fair ay performance ng ating pinoy band na talaga nakakahanga. Ang mga boses ng pinoy ay isang magandang regalong alay ng Pilipinas sa buong daigdig.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |