![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Bilang hudyat sa pagtatapos ng isang-taong selebrasyon ng ika-35 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Pilipinas at Tsina, nagsadya sa Beijing ang Philippine Philharmonic Orchestra para sa isang goodwill concert. Ang Philippine Philharmonic Orchestra ay itinuturing na isa sa mga pinakamahusay orkestra sa rehiyong Asya-Pasipiko.
Ang Philippine Philharmonic Orchestra ay itinatag noong ika-15 ng Mayo, taong 1973, at ang kauna-unahang palabas nito ay komposisyong Filipino at klasikal na komposisyon ng mga artistang dayuhan. Nagpalabas din ito kasama ng mga kilalang konduktor sa daigdig na gaya nina Mendi Rodan, Piero Gamba, Enrique Batis, Sebastian Bereau, at Nicholas Koch.
Noong ika-13 ng nagdaang buwan, inihandog nito ang palabas na "Ode to Friendship" sa National Center for the Performing Arts ("The Egg").
Si Ginoong Raul M. Sunico
Pagkatapos ng pagtatanghal, nagsagawa ang mga reporter ng China Radio International (CRI) na sina Rhio at Sissi ng panayam kay Ginoong Raul M. Sunico, Direktor ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas. Narito ang kanilang panayam.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |