![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Ang China-ASEAN Expo o higit na kilala sa tawag na CAEXPO ay isang pambansang ekspo sa pagitan ng Tsina at mga bansang ASEAN para mapasulong ang malayang kalakalan at nang magkakasamang umunlad ang mga bansa sa rehiyong ito.
Sina Rhio at Arnel Jacildo, boss ng Jacildo's Handicraft
Sapul noong 2004, idinaraos na ang CAexpo taun-taon sa Nanning, punong lunsod ng rehiyong awtonomo ng lahing Zhuang ng Guangxi, isang lalawigang panghanggahan sa dakong timog ng Tsina.
Sina Rhio at Corazon Coligado, kawani ng Ai-she footwear
Dahil ngayong taon ay ika-20 anibersaryo ng China-ASEAN Dialogue Relationship, at unang anibersaryo ng China-ASEAN Free Trade Area o CAFTA, ang may 4600 exhibition booth na ika-8 China-ASEAN Expo na idinaos noong nagdaang Oktubre ay siyang pinakamalaki sa kasaysayan. Siyempre, kasama na rin doon ang mga booth ng mga produktong Pilipino.
Mga kawani ng M. Lhuilier Food Products Inc.
Ayon sa salaysay, mga 26 na kompanyang Pilipino ang kalahok sa ekspont ito. Mabiling mabili raw ang kanilang mga produkto at marami raw mangangalakal na Tsino at mga negosyante mula sa ASEAN ang nagpakita ng malaking interes na makipagnegosyo sa Filipino traders na naroroon.
Panayam sa kawani ng Divine Bantilan Sony Argao
Para sa mga pinoy, ang Nanning ay isang di-gaanong kilalang lunsod, pero, kumpara sa ibang malalaking lunsod na gaya ng Beijing, Shanghai at iba pa, mayroon din itong angking kagandahan. Sinabi ni Rhio, iyong aming dayuhang reporter na dumalo sa ika-8 CAexpo sa Nanning, na may pagkakahawig ang Nanning at Pilipinas, lalo na pagdating sa hitsura ng mga local na residente, klima, mga pagkain, at iba pa. Sabi din niya, kung hindi siya magsasalita ng wikang Filipino, maari siyang mapagkamaliang lokal na mamamayan ng Nanning. Sa Nanning, masarap na masarap ang mga pagkain na hindi tulad ng mga pagkain sa Beijing na mamantika at maalat Sa pagtatapos ng CAexpo noong Miyerkules, sinabi ni Rhio na gusto niyang tumira sa Nanning.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |