|
||||||||
|
||
Noong isang linggo, nakilala natin ang isang Pilipino fine art photographer wala pong iba kundi si Red Ognita. At ngayong gabi, sa pagpapatuloy ng aming panayam, ikukuwento namin naging tagumpay ni Red sa potograpiya.
Nagwagi si Red ng maraming gantimpala sa iba't ibang paligsahan ng potograpiya, at kabilang dito ang Beijing in the Eyes of a Foreigner Award, International Photography Awards sa US, at Prix de la Photographie 2011 Fine Art Category sa Pransya. Pero sabi niya "sa fine art kasi, ang kompetisyon comes second only…at iyong kompetisyon ay after the fact na lang iyon."
Beijing In The Eyes Of Foreigners 2009 3rd Place
Dalawang beses ng sumali sa Beijing in the Eyes of a Foreigner si Red, at nagwagi siya ng 3rd place noong 2009 at 2nd place sa taong 2010.
Beijing In The Eyes Of Foreigners 2010 2nd Place
Bukod sa mga kompetisyon sa Tsina, ang mga larawang kuha ni Red ay itinanghal din sa mga kompetisyon sa iba pang bansa na gaya ng Pransya at Estados Unidos.
2011 Prix de la Photographie, Paris Fine-Art Category Official Selection
Sa ika-3 episode sa susunod na linggo, ibabahagi namin sa inyo ang mga lugar na binisita ni Red dito Tsina at aalamin natin kung alin sa mga ito ang nag-iwan sa kanya ng magagandang ala-ala.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |