|
||||||||
|
||
Sa gabing ito, hatid namin ang espesyal na coverage ng Ni Hao Philippines-- isang cultural program ng Philippines Embassy dito sa Beijing.
Ang Ni Hao Philippines ay naglalayong ipakilala ang kultura, mga kaugalian at ang wikang Filipino sa mga mag-aaral na Tsino.
Sumama ang Serbisyo Filipino sa dalawang araw ng pagtatanghal na ginanap sa mga sumusunod na paaralan: Primary School Attached to Capital Normal University, 5th Yang Fang Dian Primary School at Beijing Haidian National Primary School. Natunghayan namin ang mainit na pagtanggap ng mga bata sa ibat ibang aktibidad na hinanda ng grupo ng Philippine Embassy.
nag-aral ang mga batang Tsino ng "Mano Po"
Ipinagdiriwang ngayong taon ang 2012-2013 Sino-Philippine Year of Friendly Exchanges. At nakipagtulungan ang Philippine Embassy sa Haidian District ng Beijing para sa pagdaraos ng Ni Hao Philippines. Ibinahagi ni Myka Fischer, First Secretary ng Philippine Embassy kung bakit angkop ang lugar na ito.
Kinapanayam ni Machelle si Myka Fischer, First Secretary ng Philippine Embassy
Ayon sa Haidian Foreign Affairs Office o FAO, nabuo ang kasunduan matapos bumisita sa Haidian District si Ms. Maria Teresa T. Almojuela, Consul General ng Pilipinas noong Nobyembre ng isang taon. Isa ang Haidian sa mga globalized districts ng Beijing, at may kakayanan itong itaguyod ang mga aktibidad sa pagpapalitang pang-kultura.
Dagdag pa ng FAO, ang mga batang Pilipino't Tsino ay kumakatawan sa kinabukasan ng dalawang bansa. Dapat palakasin ang kaalaman at pag-unawa nila sa isa't isa, at ilatag ang tulay ng pagkakabigan sa pagitan ng mga batang Pilipino't Tsino.
Naniniwala ang mga opisyal ng Haidian District na may sariling katangian at bentahe ang Pilipinas at Tsina sa iba't ibang aspeto gaya ng kultura, kaugalian, edukasyon, turismo, yaman at iba pa. Maaaring pagyamanin ang mga mamamayan ng dalawang bansa sa tulong ng pagpapalitan at pagtutulungan ng kapuwa panig sa maraming larangan at antas. Dagdag ng kinatawan ng Hiadian, mas sasagana ang substansiyal na nilalaman ng pagkakaibigan ng dalawang bansa dala ng mga aktibidad na ito.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay idinaos ang Ni Hao Philippines sa isang eskwelahan. Kung noon, 30-40 estudyante lang ang nakakasali. Ngayong taon, hindi bababa sa 100 mag-aaral edad 8 hanggang 12 ang dumalo sa bawat paaralan.
Kinapanayam si Gng. Marla Chua
Sa kanyang pambungad na salita, sinabi ni Gng. Marla Chua na malapit na mag kapitbansa ang Pilipinas at China. At sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad ay mas magiging malalim ang pagkakaibigan at relasyon ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
pag-aaral ng Wikang Filipino
Nagbigay ang Philippine Embassy ng mga libro sa mga paaralan. Ipinakilala din sa mga bata ang ilang tanawin, hayop at kaugaliang Pilipino. Nakinig sila ng mga alamat at natuto ng ilang salitang Pilipino.
Masayang masayang sumabay sila sa kanta at sayaw na mula sa Pilipinas. At maliksing nakipag paligsahan para gumawa ng pinaka mahabang linya. Dahil sa mga aktibidad na ito, nadagdagan ang kanilang kaalaman hinggil sa Pilipinas.
pagsasayaw
Ayon kay Sun Mingyan, guro sa Primary School Attached to CNU, malaking tulong ang proyektong ito sa adhikain ng paaralan na imulat ang isipan ng mga bata sa kultura at pamumuhay ng mga dayuhan. Sa kasong ito-mga Pilipino.
Ang pagdaraos ng "Ni Hao, Philippines" sa mga mababang paaralan, ay pinakamainam na paraan para makadaupang-palad at makilala ng mga mag-aaral ang mga Pilipino.
Bukod sa Ni Hao Philippines, marami pang mga aktibidad ang nakahanda para ipagdiwang ang Sino Philippine Year of Friendly Exchanges
Ayon sa mga kinatawan ng Haidian District, sa kalagitnaan hanggang katapusan ng Mayo ng taong ito, magkasamang itataguyod ng FAO at panig Pilipino ang "Wow, Philippines!"—isang aktibidad ng promosyon ng kultura at mga produkto sa Golden Resources Shopping Mall ng Beijing.
Bukod dito,binabalak na suportahan ng FAO, kasama ng panig Pilipino, ang pagtatanghal ng mga aklat at larawan para sa mga kabataan sa Haidian Children's Palace sa Setyembre.
The Longest Line
Sa Nobyembre naman, may balak ang panig Pilipino na magpadala ng mga secondary school students sa isang secondary school ng Haidian para sa isang araw na pagpapalitan.
Ang tagumpay ng Ni Hao Philippines at patunay na kahit sa TSINA pwedeng gawin ang BAYANIHAN.
Nagtulungan ang Philippine Embassy, Haidian Foreign Affairs Office, Haidian Educational Board, Serbisyo Filipino ng CRI, mga volunteers mula sa Filipino Community, mag aaral sa Peking University at mga magulang at estudyante ng mga mababang paaralan sa Haidian.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |