|
||||||||
|
||
Maraming babaeng Tsino ang kinikilala dahil sa di matatawarang ambag sa iba't ibang sangay ng lipunan. Halimbawa dito sina Song Qingling, Chen Zhili, Margaret Chan at iba pa. Sa palatuntunang "Mga Pinoy sa Tsina" ngayong gabi, ikukuwento namin sa inyo ang isang bukod tanging Pilipina na nangunguna sa hospitality industry dito sa Beijing, walang iba kundi si Judith Los Banos.
Si Judith Los Banos
Higit 13 taon nang nakatira sa Tsina si Judith, at minsan syang nagtrabaho sa mga sangay ng Hilton Hotel sa Beijing, Shanghai at Sanya bilang Senior Marketing Communication Manager. Dahil sa sipag at kanyang mga kontribusyon sa tagumpay ng nasabing hotel, ginawaran si Judith ng pagkilala bilang MarCom Director of the Year sa 3rd Annual Women in Business Leadership Awards na ginanap sa Beijing noong isang taon.
Ang major ni Judith sa University of the Philippines ay Film and Audio Visual Communications, hindi man konektado sa kurso ang naging trabaho naging matagumpay naman siya sa piniling propesyon.
Kinapanayam ng mamamahayag ng Serbisyo Filipino si Judith
Sa pagtatapos ng 2011, nagbitiw si Judith Los Banos ng kanyang trabaho sa Hilton Hotel, at nagsimula ng bagong yugto sa kanyang career sa Tangla Hotel dito sa Beijing. Kahit di kasinglaki at kasingkilala ng Hilton ang Tangla Hotel, ito naman ang kauna-unahang Chinese brand na nagba-balak na magtayo ng mga sangay sa ibayong dagat. Ang bagong trabahong ito ay nagkakaloob ng mas malaking espasyo at pagkakataon sa kanya para maisakatuparan ang kanyang pangarap.
Kung gusto ninyong malaman ang mas maraming karanasan ni Judith dito sa Tsina, subaybayan ang aming programang "Mga Pinoy sa Tsina" sa susunod na Miyerkules.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |