![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Sa bisperas ng pagsisimula ng London Olympic Games, isasalaysay natin ang kasaysayan ng paglahok ng Tsina sa Olimpiyada.
Si Liu Changchun
Ang kauna-unahang paglahok ng mga Tsino sa Olimpiyada: si Liu Changchun sa Los Angeles Olympic Games na idinaos noong 1932.
Si Wang Yifu
Ang kauna-unahang medalyang ginto ng Tsina sa Olimpiyada: napasakamay ng lalaking sharpshooter na si Wang Yifu sa Barcelona Olympic Games noong 1992.
Si Liu Xiang
Ang kauna-unahang medalyang ginto ng mga lalaking atletang Tsino sa track and field event ng Olimpiyada: napasakamay ni Liu Xiang sa men's 110 meter hurdles ng Athens Olympic Games noong 2004.
Ilang miyembro ng table tennis team ng Tsina na nakakuha ng medalyang ginto, pilak at tanso sa isang event sa Beijing Olympic Games
Ang kauna-unahang "dream team" ng Tsina sa Olimpiyada: table tennis team ng Tsina.
Seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games
Ang kauna-unahang pagdaraos ng Olimpiyada sa Tsina: 2008 Beijing Olympic Games.
Mga tanong sa mga tagasubaybay:
1. Anong taon kauna-kaunahang lumahok ang Pilipinas sa Olympic Games?
2. Anong taon nakakuha ang mga manlalarong Pilipino ng kauna-unahang medalya sa Olympic Games? Ano ang medalyang ito? Sino ang medalist na ito, at sa aling event?
3. Ano ang pinakamataas na medalya na napasakamay ng Pilipinas sa Olympic Games? Anong taon, at aling event ito nakuha at sino ang nakakuha nito?
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |