Noong Martes ng nagdaang linggo, isang araw bago ang Qixi Festival, nagpalabas ang tatlong lalaki ng isang lonely hearts advertisement o anunsiyo hinggil sa paghahanap ng partner sa isang malaking billboard sa isang public square sa Zhongguancun dito sa Beijing. Sa kabuuan, silang tatlo ang nagbayad ng 150 libong yuan RMB o halos isang milyong Piso para sa naturang anunsiyo sa loob ng isang buwan.
Nakita ng maraming tao ang anunsiyong ito, kumalat din ito sa internet, at naging usap-usapan ng marami. Sinabi ng ilan na matapang ang tatlong lalaking ito na nagpalabas ng naturang anunsiyo. Pero, ipinalalagay naman ng iba pa na ito ay isang hype-up lamang.
Anu-ano ang mga detalye hinggil dito? Anu-ano ang masasabi ng ating mga host? Pag-usapan Natin!
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig