Pagtatalo sa pagsama ng mga magulang sa mga anak sa pamantasan
(GMT+08:00) 2012-09-07 09:50:45 CRI
Ang pagsama ng mga magulang sa kani-kanilang mga anak na freshmen sa kauna-unahang pagpasok sa pamantasan ay kaugalian sa Pilipinas, at sa Tsina rin. Pero, sa katotohanan, may mga pagtatalo sa opinyong publiko ng Tsina sa kaugaliang ito.
Ipinalalagay ng mga tumututol, na ang pagsama ng mga magulang sa mga anak ay para alagaan sila, at ito ay nagpapakita ng kawalang-kakayahan ng mga estudyante sa self-management, at hindi sila self-reliant. Pero, ipinagtatanggol naman ng mga magulang ang kanilang sarili, hinggil sa dahilan kung bakit sumama sila sa mga anak. Anila, ito ay masaksihan nila ang buong proseso ng paglaki ng mga anak, at wala silang intensyon na alagaan nang sobra-sobra ang kanilang mga anak.
Anu-ano ang masasabi ng ating mga host hinggil sa kaugaliang ito? Pag-usapan Natin!
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig