|
||||||||
|
||
Ang kuwento po natin ngayon ay naganap sa Huazhong University of Science and Technology sa lunsod ng Wuhan, probinsyang Hubei ng Tsina. Kamakailan, sa harapan ng isang dormitoryo ng mga babaeng estudyante ng pamantasang ito, lumitaw ang isang lalaki na may maskara sa mukha. Aniya, nandoon siya para magpropose sa isang babaeng edtudyante. Nakasakay ang lalaking ito ng isang limo at may dala siyang bank check na nagkakahalaga ng isang milyong yuan RMB o mga 160 libong Dolyares. Ang pangyayaring ito ay nakatawag ng malaking pansin ng mga tao. Pero, pagkatapos ng ilang araw, ibinunyag ng local media, na sa katotohanan, hindi nagpropose ang lalaki sa kahit sinong babae, at ang pangyayaring ito ay isang publicity stunt lamang.
Publicity stunt man o hindi, ang pangyayaring ito ay muling nagdulot ng pag-uusap ng mga Tsino hinggil sa umano'y "material girl." Anu-ano ang masasabi ng ating mga host hinggil dito? Pag-usapan Natin!
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |