Ano ang mas gusto mong maging anak, lalaki o babae?
(GMT+08:00) 2013-01-03 16:41:47 CRI
Ang paksa natin ngayong gabi ay tungkol sa "gender gap" o "gender ratio imbanlance." Sa madaling salita, ang di-balanseng birth rate ng mga lalaki at mga babae sa Tsina.
Ayon sa isang survey na ginawa ng National Bureau of Statistics ng Tsina, ang kasalukuyang ratio ng mga ipinapanganak na lalaki sa mga ipinapanganak na babae ay 117: 100. Ang normal na ratio ng mga lalake at babae ay 103 hanggang 107 na lalake sa kada 100 babae. Ibig sabihin, ipinapakita ng tinukoy nating mga numero na mayroon talagang disparidad sa bilang ng mga lalake at babae sa Tsina. Hindi lang iyan, ayon pa rin sa nasabing pag-aaral, mas malaki pa ang disparidad sa bilang ng mga lalake at babae sa kanayunan; ito ay nasa 122.85 na lalake kada 100 babae.
Sa katotohanan, nagkaroon ng tuluy-tuloy na pagbaba ang disparity sa gender ratio nitong ilang taong nakalipas, pero, ang kasalukuyang ratio na nabanggit natin, ay mataas pa rin kaysa normal standard.
Ano ang gusto mong maging anak, lalaki o babae, at bakit?
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig