|
||||||||
|
||
Ang salitang "Chinese Dream" ay naging mainitang paksa sa Tsina pagkatapos ng pagbibigay ni Xi Jinping, bagong Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, ng kanyang sariling paliwanag sa salitang ito. Sisipiin ko po muna ang paliwanag ni Ginoong Xi. Aniya, "ang bawat tao ay may sariling mithiin at hangarin, pati ng sariling pangarap. Sa palagay ko, ang pagsasakatuparan ng dakilang pag-ahon ng nasyong Tsino ang pinakamalaking pangarap ng ating mga mamamayan." Dagdag pa niya, "ipinakikita ng kasaysayan na ang kinabukasan at tadhana ng bawat tao ay may mahigpit na kaugnayan sa kinabukasan at tadhana ng kanyang bansa at nasyon. Kung lalakas ang isang bansa at nasyon, saka lamang gaganda ang pamumuhay ng mga mamamayan nito."
Ano ang Chinese Dream, at anu-ano ang reaksyon ng mga mamamayang Tsino hinggil dito? Pag-usapan Natin!
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |