![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Aktibidad ng "No Pants Subway Ride" sa taong ito sa Shanghai
Ang araw ng "No Pants Subway Ride" ay unang ginawa noong 2002, sa pagtataguyod ng isang samahang pansibilyan sa Estados Unidos, na tinatawag na "Improv Everywhere"; at nitong ilang taong nakalipas, lumaganap na rin ito sa mga iba pang lugar ng daigdig, at naging isang pandaigdig na aktibidad. Sa karaniwan, idinaraos ang aktibidad na ito sa unang dako ng Enero, halimbawa, para sa taong ito, ito ay idinaos noong Sabado o Linggo sa iba't ibang lugar ng daigdig. Puwedeng lumahok sa aktibidad ang lahat ng mga tao, lalaki man o babae, at sa iba't ibang edad. Magkakahiwalay na sumakay ang mga kalahok sa mga subway, nang walang suot na salawal. Ibig sabihin, nakasuot sila ng mga karaniwang damit, at ang tanging di-pangkaraniwan ay ang di-nila pagsusuot ng salawal. Pero, para hindi magdulot ng istorbo sa iba, hindi sila maaring magsuot ng t-back o iba pang labis na maiksing underwear.
Sa taong ito, pumasok na rin sa Tsina ang aktibidad ng pagsakay ng subway na walang salawal. Noong nagdaang Sabado, naganap ang aktibidad na ito sa Shanghai. Pero, ang kakaiba rito ay: halos lahat ng mga kalahok ay mga dayuhan dito sa Tsina. Ibig sabihin, halos walang Tsino ang lumahok sa aktibidad na ito. Ito ay dahil hindi talagang natatanggap ng mga Tsino ang aktibidad na ito.
Ano ang layunin ng araw ng "No Pants Subway Ride?" Bakit hindi ito natatanggap ng mga Tsino? Pag-usapan Natin!
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |