Naging usap-usapan dito sa Tsina kamakailan kung dapat ipagbawal na o hindi ang pagpapaputok ng firecrackers kung Spring Festival sa lahat ng malalaking lunsod na gaya ng Beijing at Shanghai dahil sa lumalalang air pollution.
Bukod sa pagiging matandang tradisyon, ang paputok ay isa ring malaking negosyo sa China. Pero dahil nga sa nakita ng lahat ang pagtaas ng lebel ng polusyon sa pagsisimula ng kasalukuyang taon, nagkaroon ng mga tanung-tanong hinggil sa epekto ng paputok sa kalusugan at kapaligiran But as the beginning of the year has seen high levels of pollution, many are beginning to raise questions on the health and environmental costs of using fireworks. Pero marami rin ang nagsasabi na dapat daw simulan ang taon with a bang at ang putok ng firecrackers ay ang siyang tumpak na ingay na dapat sumalubong sa pagpasok ng taon. Mahalaga anila na ma-feel mo ang New Year at hindi mo mararamdaman ito kung walang paputok.
Pero, ang pagpapaputok ng firecrackers lalo na kung Spring Festival, na isang napakahalagang kapistahang Tsino, ay isang tradisyon dito sa Tsina na may mahigit isang libong taong kasaysayan. Gayunman, kasunod ng pahigpit nang pahigpit na pagbibigay-pansin ng mga mamamayang Tsino sa air pollution, lumilitaw ang palakas nang palakas na panawagan para sa pagbabawal sa fireworks displays.