Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kung paanong mapataas ang pakiramdam ng kaligayahan

(GMT+08:00) 2013-03-08 17:46:36       CRI

Ang paksa natin ngayong gabi ay "kaligayahan." Yeah. Magandang salita ito, di ba? Siyempre, lahat tayo gustong lumigaya, pero, paano. Ano ang dapat nating gawin? Sa programa natin ngayong gabi, bibigyan namin kayo ng ilang tips para kahit papaano ay tumaas ang level of happiness ninyo. Mayroon ka bang idea kung paano lumigaya?

Alam na alam nating lahat na mahalagang mahalaga ang ehersisyo, pero ilang tao lang ang talagang regular na gumagawa nito. Ang iba paminsan-minsan lang, kung meron lang oras at iyong iba halos talagang walang ehersisyo. ngunit, Bukod sa marami nang health benefits, ang ehersisyo ay nakakatulong din para tayo ay higit na maging matalino at masaya at nakakatulong din sa ating pagtulog, sa pagpapataas ng libido at iba pa. Nagsagawa ng test ang Harvard at sinubaybayan nila ang isang grupo ng mga taong may edad na pitumpung gulang pataas. Natuklasan nila na ang ehersisyo ang siyang pinakamahalagang lihim ng pagkakaroon ng mahabang buhay ng mga may edad na ito. Kaya, kung hindi ninyo ugali ang pag-e-ehersisyo, simulan na ninyo ngayon.

Ang isa pang mahalagang lihim ng mga taong may pinakamahabang buhay ay ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Ayon sa pag-aaral, sa katotohanan, ang magandang relasyon ay mas higit pang nakakatulong sa pagkakaroon ng mahabang buhay kaysa sa ehersisyo. Ang kaibigan ay susi sa pagpapabuti ng ating buhay. Kung hindi ninyo alam kung paano ito sisimulan, magbahagi lang kayo ng magagandang balita sa inyong pamilya at mga kaibigan at tugunin naman ninyo sila kung sila ay magbahagi din ng magandang balita sa inyo. Ito ay magandang simula ng pagkakaroon ng magandang relasyon sa ibang tao.

Ang paghipo o pagdadaiti ng kamay sa braso o likod ng ibang tao ay hindi lamang nakakabawas ng stress kundi nakakatulong pa sa mabuting pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Ang yakap ay nakakapagpaligaya, samantalang ang sex naman ay nakakatulong para maiwasan ang sakit sa puso at kanser. Bukod dito, nakakatulong din ito sa pagpapalakas ng ating immune system at sa pagpapahaba ng ating buhay.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>