Background story: noong isang buwan, nagpalabas ang isang kilalang matchmaking website ng Tsina ng ulat hinggil sa ideya ng pag-ibig at kasal ng mga Tsino, at ginamit sa ulat na ito ang isang bagong terminong "flag-down rate ng pag-ibig." Ayon sa ulat, ang naturang rate ay kahilingan ng mga babaeng Tsino sa buwanang kita ng kani-kanilang magiging boyfriend o asawa. Sa pamamagitan ng survey, nakalkula sa ulat ang halaga ng flag-down rate ng pag-ibig sa iba't ibang lugar, at ang unang tatlong pinakamalaki ay Shanghai, mahigit 9900 yuan; Shenzhen, mahigit 8400 yuan, at Beijing, mahigit 8100 yuan. Pero, sa katotohanan, ang mga halagang ito ay labis na mas malaki kaysa monthly salary per capita sa naturang iba't ibang lunsod. Kaya, sa isang follow-up online poll, 81% ng mga interviewee ang nagpahayag ng di-pagsang-ayon sa naturang rate, at maraming kalalakihan ang nagsabi na hindi na lang sila iibig dahil hindi abot sa pamantayan ang kani-kanilang kita.
Ano ang kinalaman ng pera sa pag-ibig? Bakit lumitaw ang bagong terminong itong "flag-down rate ng pag-ibig?" Anu-ano ang masasabi ng ating mga host ang hinggil dito? Pag-usapan Natin!
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig