Simula noong unang araw ng buwang ito, pinairal sa Tsina ang isang bagong batas hinggil sa pangangalaga sa karapatan at kapakanan ng mga senior citizens. Ito ay nagresulta sa mainitang pagtatalo. Ayon sa batas na ito, tungkulin ng mga adult citizens na alagaan ang mga senior citizens. Anito pa, dapat ding regular na bisitahin at kalingain ng mga adult citizens ang kani-kanilang matatandang miyembro ng pamilya.
Bakit inilakip sa batas ang naturang mga nilalaman? Kailangan ba ito? At anu-ano ang mga pagtatalo? Pag-usapan Natin!