Sa katatapos na FIBA Asia Championship sa Manila, nakakuha ng ikalawang puwesto o first runner-up ang Philippine National Team--Gilas Pilipinas. Bagama't hindi naging kampeon, kahit papaano ay naisakatuparan nila ang pagbangon ng basketbol ng Pilipinas. Ito ang kauna-unahang paglahok ng Pilipinas sa finals ng Asia Championship sapul noong 1986. Dahil naman sa ikalawang puwesto sa championship, nakabalik ang Pilipinas sa FIBA World Cup pagkatapos ng nagdaang paglahok nito noong 1978.
Maligayang bati sa Gilas Pilipinas! Anu-ano ang mga elemento sa tagumpay ng Gilas Pilipinas sa kasalukuyang championship? Paano ang prospek nila sa susunod na World Cup. Pag-usapan Natin!