Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga bagong regulasyon ng Tsina sa Bisa

(GMT+08:00) 2013-09-23 17:20:37       CRI

Marahil ay narinig na ninyo ang bagong regulasyon ng Tsina tungkol sa pagkuha ng bisa na inilabas noong unang araw ng Hulyo, 2013. Ito ay naglalayong sawatain ang iligal na pananatili at iligal na pagtatrabaho ng mga dayuhan sa bansa. Kabilang sa mga pinakamalaking pagbabago ay ang pagdaragdag ng apat na bagong uri ng bisa; at ilan sa mga ito ay ang "foreign professional" o "R" visa, na maaring gamitin sa loob ng limang taon at "M" visa na siyang papalit sa "F" business visa.

Dagdag pa riyan, ipapatupad ng pamahalaang Tsino ang mas mahigpit na regulasyon sa pagkuha ng bisa, mas mataas na multa kapag nilabag ang regulasyon, at mas mahigpit na alituntunin sa pagkuha ng pahintulot sa pananatili sa Tsina (residence permit).

Mga bagong uri ng ordinaryong bisa

Ang mga bisa ng Tsina ay nahahati sa apat na kategorya; diplomatic visa, courtesy visa, service visa, at ordinary visa. Sa ilalim ng bagong "Entry and Exit law" ng Tsina, ang bilang ng mga bagong uri ng ordinary visa ay itataas mula walo (8) hanggang labindalawa (12). Narito ang mga karagdagang uri ng ordinary visa:

• M Visa- Issued for business/commercial visits

• R Visa- Issued for highly skilled foreign professional stays and visits

• Q Visa- Issued for family reunions and foreigners visiting Chinese citizen (Q1) & permanent residents (Q2)

• S Visa- Issued for private visits such as divorce, inheritance, adoption, marriage, or medical services

Mga pagbabago sa kasalukuyang uri ng bisa

• Z Visa- Issued for employment or work purposes. Sa ilalim ng bagong sistema, ito ay hahatiin sa Z1 (lampas sa 90 araw) at Z2 (hindi lalampas sa 90 araw)

• X Visa- Issued to student or for internship purposes, valid for six months. Sa ilalim ng bagong sistema, ito ay hahatiin sa X1 (pangmatagalan) at X2 (panandalian)

• F Visa- Formely issued for business purposes. Sa ilalim ng bagong sistema, ito ay para na lamang sa di-komersyal na dahilan

Ang "M" ay ang bagong "F"

 Ang "M visa" ang siya na ngayong bagong business visa. Ito ay ibibigay sa mga dayuhang nais pumunta ng Tsina upang magnegosyo o para sa kadahilanang komersyal.

 Ang "F visa" naman ay siya na ngayong non-business visa, at ibibigay sa mga dayuhang nais pumunta sa Tsina sa kadahilanang di-komersyal (scientific, edukasyonal, kultural, kalusugan o palakasan).

Paghikayat ng bagong talento

Sa ilalim ng bagong sistema, ang "R visa" ay gagamitin bilang panghikayat ng mga talentong mula sa ibang bansa. Ito ay ibibigay sa mga "high-ranked at in-demand" na talentong propesyunal. Ang "R1" ay pangmatagalan, at maaring gamitin sa loob ng limang taon: kasama na rin nito ang residence permit. Ang "R2 visa" naman ay ibibigay sa mga "highly skilled specialists" na mananatili ng hindi lalampas sa 180 araw sa bansa.

FAQ's

Ano ang pinakamalaking pagbabago sa bagong sistema?

 Ang Parusa. Mas mataas ang parusang iyong kakaharapin kung sasawayin mo ang bagong sistema sa bisa. Halimbawa, kapag nakalimutan mong kumuha ng pansamantalang "residence permit," at magrehistro sa pulis, sa loob ng beinte kuwatro oras (24) pagdating mo sa Tsina, maari kang patawan ng pinakamataas na multa na 2000RMB. Sa nakaraang sistema, ang pinakamataas na multa ay 500RMB lamang.

 Sa nakaraang sistema, kapag ikaw ay nag-overstay, maari kang patawan ng multang nagkakahalaga ng 500RMB kada araw ng pananatili. Ang pinakamataas na multang maari mong bayaran ay 5000RMB kung ikaw ay matagal na nag-overstay. Pero, ayon sa bagong sistema, 500RMB pa rin ang multang babayaran kada araw ng pananatili, subalit ang pinakamataas na maaring bayaran ay itinaas sa 10,000RMB kung matagal ang ginawa mong pag-overstay sa Tsina. Bukod pa riyan, maari ka ring i-deport at ilagay sa blacklist sa loob ng 5 taon.

 Kung ikaw ay iligal na nagtatrabaho sa Tsina, sa lumang sistema, pagmumultahin ka lamang ng 5000RMB. Pero sa ilalim ng bagong sistema, maari kang patawan ng pinakamataas na multang 20,000RMB Maari ka ring i-deport at ilagay sa blacklist sa loob ng 5 taon.

 Sa ilalim ng bagong sistema, maaring i-reject ng immigration office ng Tsina ang inyong aplikasyon para sa bisa nang walang ibinibigay na dahilan o eksplanasyon.

Maari pa rin bang dalawang ulit na i-renew ang torusist visa katulad noong dati?

 Sa karaniwan, ang pamahalaang Tsino ay nagbibigay ng (90) araw na pananatili para sa mga turista. Kung mayroon kang tourist visa na pantatlumpung araw, maari mo itong i-renew ng dalawang beses; (30) araw kada renew.

 Kung ikaw naman ay may pang-animnapung araw na bisa, maari mo itong i-renew ng isang beses; (30) araw na ekstensyon.

Ano ang mga pagbabago sa business visa?

 Ayon sa bagong sistema, ang pinakamahabang pananatili sa Tsina ng mga taong may business visa ay (180) araw. Ibig sabihin, wala na ang pang-isahang taon na business visa.

Maari bang kumuha ng pangmatagalan, anim (6) na buwan hanggang isang (1) taon na business visas sa Hong Kong?

 Hindi maaari! Mula unang araw ng Hulyo, hindi na magbibigay ng pangmatagalang business visa ang Hong Kong.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>