Pampasaherong bus kung saan naganap ang insidente
Naganap noong nakaraang Agosto sa lalawigang Henan, sa may gawing gitna ng Tsina, ang isang marahas na insidente. Sa insidenteng ito, isang lalaki ang walang habas na nanaksak sa isang tumatakbong pampasaherong bus, gamit ang isang lanseta. Labinlimang pasahero ang nasugatan, kabilang na ang tatlong batang basawi. Ang malagim na pangyayaring ito ay nagdulot ng mainitang pagtatalo sa mga netizens na Tsino, dahil ayon sa isang surveillance video mula sa bus, medyo may pagkapandak, payat, at mukhang mahina ang pangangatawan ng salarin. At sa lahat ng 33 pasahero ng nasabing bus, wala ni isa man ang naglakas-loob na labanan siya.
Anu-ano ang masasabi nina Kuya Ramon, Lakay Rhio, at Tata Frank hinggil sa pangyayaring ito? Sa palagay nila, anu-ano ang gagawin natin sa harap ng krimen? Pag-usapan Natin!