
Katatapos lamang ng ika-3 sesyong plenaryo ng ika-18 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Bilang naghaharing partido sa Tsina, idinaos ng CPC ang sesyong ito para pag-aralan at pagpasiyahan ang mga suliranin hindi lamang ng partido mismo, kundi maging ng sa buong estado. Ito siguro ang dahilan kaya nakatawag ito ng malaking pansin ng media sa kapwa loob at labas ng Tsina.
Sa huling araw ng sesyong plenaryo, pinagtibay ng ika-18 CPC Central Committee ang isang dokumento hinggil sa desisyon sa mga malalaking isyu hinggil sa komprehensibong pagpapalalim ng repoma. Parang political platform ang dokumentong ito na gumawa ng pangkalahatang plano sa pagsasagawa ng reporma ng Tsina sa loob ng darating na mga panahon.
Pag-usapan natin ang hinggil sa nabanggit na sesyong plenaryo at isasagawang reporma ng Tsina sa susunod na yugto.