Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tugon ng Philippine Musicians Association of Shanghai sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda

(GMT+08:00) 2013-12-05 16:44:54       CRI

November 17 nagdiwang ang Philippine Musicians Association of Shanghai (PMAS) ng ika 6 na anibersaryo nito.

Tiyempo ang okasyon dahil ito na rin ang naging pagkakataon para makalikom ang grupo ng donasyon para sa mga nasalanta ng bagyong si Yolanda.

Siyempre kapag mga entertainers ang nagsama-sama ito'y party na at concert pa. 18 mga banda ang tumugtog, kabilang dito ang mga taga-Shanghai at maging ang mga nagtratrabaho sa karatig lunsod ng Nanjing, Wuxi at Changzhou sa lalawigan ng Jiangsu.

600 bisita ang dumalo sa fund raising event na tumagal ng 7 oras. At matapos ang masayang pagtitipon-tipon umabot sa Php 560,000 ang nakakalap na donasyon ng PMAS.

Ang halagang ito ay binigay nila sa GMA Kapuso Foundation bilang ambag sa proyekto nito para suportahan ang pagbangon ng Leyte at Samar matapos ang pananalanta ni Yolanda.

Si Moises Sumile Jr. ang pangulo ng PMAS at siya ang namuno sa nasabing pagtitipon-tipon. 14 na taon na siyang naninirahan sa Shanghai. 2007 nabuo ang PMAS at ito'y ideya ng 8 katao. 6 na taon makalipas, ang PMAS ay may halos 200 miyembro.

Sa pamayam ng Serbisyo Filipino ibinahagi ni Ginoong Sumile ang bentahe ng pagsali sa isang samahan, idiniin nya ang importansya ng pagkakaroon ng mga kaagapay lalo na pag-nagigipit ang isang entertainer. Di na kasi bago ang mga kwento kung saan nalalagay sa alanganin ang isang OFW. Networking ang isa pang alok ng PMAS, sa tulong ng asosasyon nagkakaroon ng mga raket ang mga singers at banda sa Shanghai.

6 na buwan lang ang bawat kontrata ng entertainer at dala ng bagong regulasyon sa pagkuha ng bisa sa Tsina, payo ni Moises na siguruhin na legal ang kontrata at matino ang kausap na ahensya. Dagdag niya para sigurado dumaan na sa POEA para maging documented na worker.

29 taon na sa larangang ito si Sumile at ang kanyang mantra ay "sing the right song, at the right place, the right time and to the right person." Hindi uubra ayon sa batikang musikero ang pagpipilit ng sariling kagustuhan pagdating sa tugtugan. Sa kanyang karanasan dapat timplahin ang trip ng mga manonood para umuwing masaya at may ngiti ang isang kostomer.

Ngayong magpapasko tiyak na magiging aktibo ang PMAS sa mga selebrasyon sa Shanghai. Sa pamamagitan ng kanilang mga awitin mas magiging masigla at masaya ang pagdiriwang ng kapaskuhan.

Pakinggan ang buong interbyu ni Machelle Ramos kay Moises Sumile Jr. sa programang Mga Pinoy Sa Tsina. Gumamit ng internet browser na may pinakabagong bersyon ng Flash Player at siguruhing gumagana ang audio plug-in sa website na ito.

Aktibo rin ang PMAS sa tourism campaign ng Pilipinas

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>