
Ang salitang "Diaosi" ay buzzword ngayon sa Tsina. Ito ay nangangahulugang isang taong "loser," walang pera, hindi matalino, hindi guwapo o maganda, walang boyfriend o girlfriend, mula sa hindi mayamang pamilya, at walang maliwanang na hinaharap.
Ang salitang "Diaosi" ay isang magaspang na salita, pero, dahil ito ngayon ay isa nang buzz word, nabigyan na ito ng bagong kahulugan.
Sa totoo lang, hindi naman talaga "loser" ang isang taong nagsabing siya ay "Diaosi" kundi, siya ay hindi lang kontento sa mga nangyayari sa kanyang kapaligiran. Iyong iba naman, sa tingin nila, hindi sila kasinyaman ng kanyang mga kakilala kaya "diaosi" ang turing sa kanilang mga sarili.
Sa makatuwid, ang phenomenon na ito ay isang palagay lamang sa sarili at hindi base sa mga aktuwal na nangyayari.
Narito't pakinggan ang talakayan nina Ramon at Rhio hinggil sa mga "Diaosi" ng Tsina.