Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Puwede bang gawing katatawanan ang air pollution?

(GMT+08:00) 2013-12-13 18:20:19       CRI

Isang traffic police sa gitna ng makapal na smog sa Lalawigang Henan sa gitnang Tsino

Noong isang linggo, kumalat sa maraming lugar ng Tsina ang makapal na smog na dinulot ng grabeng air pollution. Ayon sa pagmomonitor ng China Meteorological Administration, ang kasalukuyang smog ay nangyari sa 25 lalawigan, munisipalidad, at rehiyong awtonomo mula hilaga hanggang timog at mula silangan hanggang kanluran ng Tsina, na talagang malaking bahagi ng bansa.

Alam natin, ang smog at air pollution sa Tsina ay nagdulot ng masamang kalusugan ng tao. Pero, sa harap ng grabeng kalagayang ito, ipinalabas ng dalawang malaking media ng Tsina na China Central Television at pahayagang Global Times ang dalawang artikulo hinggil sa umano'y "mga positibong elemento" ng smog. Pagkaraang ipalabas ang mga artikulo, nagresulta ang mga ito sa maraming pagpuna.

Ang mga artikulong ito ay ipinalabas sa mga official website ng CCTV at Global Times. Kabilang dito, sinabi ng artikulo ng CCTV na lima ang mga positibong elemento ng smog. Una, makakatulong ito sa pagkakaisa ng mga Tsino, dahil kinakaharap nila ang komong problema, at magkakasama rin silang nagsisikap para malutas ang problemang ito. Ikalawa, makakatulong ito sa pagkakapantay-pantay ng mga Tsino, dahil mayaman man o mahirap, mga opisyal man o mga karaniwang tao, pareho silang humihinga ng maruming hangin. Ikatlo, dahil sa smog, nalalaman ng mas maraming Tsino ang kasalukuyang problema ng bansa--hindi dapat bigyang-pansin lamang ang pagpapaunlad ng kabuhayan at pawalang-bahala ang pangangalaga sa kapaligiran. Ikaapat, dahil sa smog, nagpapakita ang mga Tsino ng kanilang sense of humor--nakakagawa ang mga Tsino ng maraming kuwento ng panunuya sa sarili kaugnay ng smog, at ito ay pinatutunayan ng kanilang lakas ng loob sa harap ng kahirapan. At ikalima, dahil sa smog, nakakakuha ng mga may kinalamang kaalaman ang mga Tsino; halimbawa, nalalaman nila ang PM2.5-- ibig sabihin, particulate matter with a diameter of no more than 2.5 microns, isa sa mga pangunahing bagay na nagdudulot ng air pollution. Simple naman ang artikulo ng Global Times. Anito, dahil sa smog, mababa ang bisibilidad, kaya mahirap na makapunta ang missile ng ibang bansa sa isang takdang target sa Tsina.

Pagkaraang ipalabas ang nabanggit na mga artikulo, agarang pinuna hindi lamang ng mga netizens, kundi rin ng iba pang media, ang CCTV at Global Times, dahil anila, para sa media, hindi puwedeng gawing katatawanan ang isyu ng air pollution. Ipinalalagay ng mga netizens na ang air pollution ay isang grabeng isyung mapanganib sa kalusugan ng mga tao, at ang paglalahad ng mga biro hinggil dito ay walang saysay para sa paglutas sa isyu. Sinabi naman ng maraming media na bilang malalaking media, dapat maging seryoso ang CCTV at Global Times sa isyu ng air pollution, at hindi dapat gawin itong katatawanan, para pagtakpan ang isyung ito.

Anu-ano ang masasabi ng ating mga hosts hinggil sa dalawang artikulong ito? Anu-ano ang masasabi nila sa smog sa Tsina? Pag-usapan Natin!

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>