Ang Pasko ay nagsimulang maging popular sa Tsina noong 1990s. Pero, dahil karamihan sa mga Tsino ay hindi Katoliko o Krisitiyano, sa simula hindi nila alam kung ano talaga ang Pasko. Nitong ilang taong nakalipas, unti-unting nalaman ng mga Tsino na ang Pasko ay para sa selebrasyon ng kapanganakan ni Jesus Christ, kaya may ilang katanungang nabuo sa kanilang isip na gaya ng Ano ang kahulugan ng Pasko para sa mga Tsino na hindi Katoliko at Kristiyano? Puwede ba silang magpasko? Puwede bang magpasko ang mga Tsino sa pamamagitan ng paraang walang mga elementong panrelihiyon at tradisyonal? At Puwede bang magpasko ang mga Tsino para lamang sa kasayahan?
Anu-ano ang sagot nina Kuya Ramon at Lakay Rhio sa mga tanong na ito? Pag-usapan Natin!