|
||||||||
|
||
Dito po sa Beijing, karaniwan mong makikita ang ibat-ibang uri ng tao na laging hawak at kinukutingting ang kanilang mga smart phone, maging sila man ay naglalakad sa kalsada, nakasakay sa bus, subway o tren, nasa trabaho, nasa harapan ng hapag-kainan, etc.
Bukod pa sa mga smart phones, marami rin tao ang mistulang nawalan na "totoong social life" dahil sa pagka-adik sa mga social networking sites, siyempre, gamit ang kanilang mga tablet computers, laptops, desktop, at iba pang katulad na device. Ito ang dahilan, kaya naman binansagan silang mga "screen slaves."
Sa episode ngayong linggo, handog namin sa inyo ang isang programang tumatalakay sa pinag-uusapan ngayong isyung panlipunan na ito. Narito sila Kuya Ramon at Lakay Rhio para sa programang Pag-usapan Natin.
20140103cellphone.m4a
|
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |