May isang awiting pambata sa Tsina na may kinalaman sa kung paanong maging mabuting ama. Ang pamagat ng awit na ito ay "Mabuting Ama," at ginawa ito noong 1987. Anang awit, ang mabuting ama ay nakikibahagi sa gawaing-bahay na gaya ng pagluluto at paglalaba. Anito pa, kung pinapalo ng isang ama ang kanyang malilikot na anak para kumilos siya nang wasto, mabuti pa rin ang ganitong ama.
Anu-ano ang masasabi nina Kuya Ramon at Lakay Rhio hinggil sa sinasabi ng awit na ito? Anu-ano ang sarili nilang palagay hinggil sa kung paanong maging mabuting ama? Pag-usapan Natin!