Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Harrold Villaflor at ang winning photo na "The Great Wall and Stars"

(GMT+08:00) 2014-01-28 16:53:31       CRI

The Great Wall and Stars ni Harrold Villaflor

Isang Pilipino nanaman ang nanalo sa Beijing in the Eyes of Foreign Friends.

Taon-taon idinadaos ang photo contest na ito at sa limang taon nang pagdaraos ng kontest mula 2009, palaging may mga Pilipino na nananalo dito. Noong 2009 Third Prize ang nakuha nila Red Ognita para sa litratong "Blues" at si John RaymondTiam naman para sa entry na "Great Wall." 2010 Second Prize ulit si Daher Ognita o si Red Ognita para sa larawang "Taiji." At noong 2011 Third Prize si John Raymond Tiam para sa isinumiteng larawang "Spring Summer Autumn Winter"

Sa taong 2012 Second Prize ang "Sunset" ni Alex de Dios samantalang Third Prize si John Raymond Tiam para sa kuhang "Kunming Lake in Winter. "

Nitong 2013 magandang balita ang pagkakapanalo ng litratong "The Great Wall and Stars" ng Second Prize. Ang photographer nito ay walang iba kundi si Harrold Villaflor.

Isang architect at kasalukuyang nagtatrabaho si Harrold Villaflor sa Shanghai. Pero bago nadistino sa ibang lunsod, sa mga nalalabing araw ng pamamalagi sa Beijing isang espesyal na photowalk ang isinagawa ng Pilipino Overseas Photographers Beijing o POP Beijing para sa kanya.

Great Wall ang napili ng grupo para sa shoot at ang lugar na ito ang pagmumulan din ng winning photo ni Villaflor sa 2013 Beijing in the Eyes of Foreign Friend photo contest.

Isang magandang libangan ang photography at maraming mga Filipino expats at overseas workers ang kinilala na sa ibat ibang mga photo competitions sa Tsina. Bukod sa Beijing, may ilang mga kababayan na rin ang nanalo sa mga paligsahan sa Guangzhou. Patunay ito sa likas na pagkamalikhain at tunay na husay sa sining ng mga Pinoy.

Alamin ang kwento sa likod ng litrato ni Harrold Villaflor. Pakinggan ang buong interbyu ni Machelle Ramos sa programang Mga Pinoy Sa Tsina. Gumamit ng internet browser na may pinakabagong bersyon ng Flash Player at siguruhing gumagana ang audio plug-in sa website na ito.

1 2
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>