Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga espesyal na kasalan

(GMT+08:00) 2014-03-21 14:44:34       CRI

Larawan 1: kasalan nina Liang Hong at Zhang Xinyu sa Antarctica

Larawan 2: kasalan nina Gao Min at Yao Wangzhou sa hospital ward

Larawan 3: kasalan nina Hernelie Ruazol at Ram Ocampo sa Maynila

Kasalan No.1 (Larawan 1): Noong ika-25 ng nagdaang Pebrero, isang Chinese couple ang ikinasal sa harapan ng Great Wall Scientific Research Station ng Tsina sa Antarctica. Ang groom ay si Zhang Xinyu at ang bride ay si Liang Hong. Kapwa sila mahilig sa adventure. Sa isang paglalakbay nauna rito sa Oymyakon, isang Russian village sa loob ng Arctic Circle, nag-propose si Zhang ng kasal kay Liang, na tinanggap naman ng huli. Ipinasiya ng dalawa na maglayag patungong Antarctica at doon magpakasal. Para rito, bumili sila ng isang yacht at gumawa ng 6-buwang paghahanda. Noong Hulyo ng nagdaang taon, sinimulan nila ang kanilang romatikong biyaheng ito sa Shanghai. Naglayag sila sa dagat sa loob ng 231 araw at 35 libong kilometro, at pinagtagumpayan ang iba't ibang kahirapan, lalung-lalo na ang malakas na hangin at alon sa dagat. Sa wakas, nakarating sila ng Antarctica at doon nga nagpakasal. Pagkaraang maipalabas sa internet ang hinggil sa biyaheng ito, nakatawag ito ng malaking pansin ng mga netizens, na nagsipaabot ng kanilang masayang bati sa mga bagong kasal. Sinabi ng isang netizen na sa pamamagitan ng di-makakalimutang karanasang ito, tiyak na titibay ang pagmamahalan ng mag-asawa.

Kasalan No.2 (Larawan 2): Sina Yao Wangzhou at Gao Min ay nagkaibigan noong 2012. Noong Hunyo ng 2013, na-diagnose na may acute leukemia si Yao, iyong lalaki at na-confine siya sa ospital para sa mahabang gamutan. Nagbitiw naman sa trabaho si Gao para alagaan si Yao. Noong ika-14 ng nagdaang Pebrero, Valetine's Day, ikinasal sina Yao at Gao sa hospital ward. Noong isuot ng yayat na kamay ni Yao ang singsing sa daliri ni Gao, ang lahat ng mga nanood sa kanila ay napaluha. Pero, sawimpalad si Yao at yumao siya 17 araw pagkaraan ng kasalan. Ang kuwento ng mag-asawang ito ay hinangaan ng mga netizens, at tinawag nila si Gao na "pinakamagandang bride."

Kasalan No.3 (Larawan 3): Noong Agosto, 2012 sa Maynila, idinaos nina Hernelie Ruazol at Ram Ocampo ang kasalan sa isang lubog sa bahang simbahan. Nakunan din sila ng larawan habang naghahalikan nang nakapayong sa gitna ng malakas na buhos ng ulan.

Alin sa tatlong espesyal na kasalang ito ang nag-iwan ng pinakamalalim na impresyon sa inyo? Pag-usapan Natin!


May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>