|
||||||||
|
||
Mainitang pinag-usapan kamakailan ng mga netizens na Tsino ang hinggil sa balita na nagsasabing ipinatalastas ng mga Dutch scientists ang pagdedebelop ng isang electricity-based therapy na kung alin puwedeng maisagawa ang spot-cleaning sa alaala ng tao. Anang balita, sa pamamagitan ng therapy na ito, mababawasan o mapipigilan ang paggunita sa mga negatibong alaala, para magamot iyong mga nakakaranas ng depression, shock, at iba pang trauma.
Kaugnay nito, ipinahayag ng ilang netizens ang kahandaang subukin ang ganitong paraan ng paggamot. Sinabi ng isa na "gusto kong subukin ang treatment na ito, at alisin ang lahat ng aking nagdaang alaala para magkaroon ng bagong simula." Sinabi naman ng isa na "gusto ko lang subukin ito para malaman kung talaga ngang mabisa." Samantala, mayroon namang mga netizens na negatibo sa treatment na ito. Sinabi ng isa na "harapin na lang ang katotohanan, bahagi na ng mga karanasan sa buhay ang naturang mga alaala." Sinabi naman ng isa na "ayaw kong alisin ang anumang alaala, dahil karanasan ko ang mga ito, maganda man o masama."
Anu-ano ang sinasabi nina Kuya Ramon at Lakay Rhio hinggil sa masasamang alaala? Ano ang palagay nila hinggil sa treatment na umano'y nakakaalis ng masasamang alaala? At kayo mga giliw na tagasubaybay, kung pupuwede, gusto ba ninyong mabura ang masasamang alaala? Pag-usapan Natin!
Pag-usapan Natin 20140404
|
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |