Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Sino ang may hawak ng pera sa iyong pamilya?

(GMT+08:00) 2014-06-27 15:38:56       CRI

Ayon sa isang Tsinong eksperto sa mga isyung panlipunan, tatlo ang mga pangunahing dahilan kung bakit dito sa Tsina, naging kaugalian nang ang babae ang humahawak ng pera.

Ang unang dahilan ay mas mahaba ang lifespan ng mga babae kaysa mga lalaki. Sabi ng eksperto, noong sinaunang panahon, dito sa Tsina, ang kapangyarihan ng paghawak ng pera ay napupunta sa pinakamatandang miyembro ng isang pamilya, dahil malaki ang kanyang impluwensiya at awtoridad. Mas mahaba ang lifespan ng mga babae kaysa mga lalaki, at sa karaniwan, ang babae ay pinakamatandang miyembro ng isang pamilya, kaya naging kaugalian nang ang babae ang humahawak ng pera at ito ay nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan.

Ang ikalawang dahilan ay pagkakaiba sa katangian ng kalalakihan at kababaihan. Ayon sa eksperto, mas mahilig ang kalalakihan sa pagsasapanganib. Kung ihahambing sa kalalakihan, mas konserbatibo ang kababaihan at mas magaling sila sa pag-iwas sa mga panganib. Kaya, ang paghawak ng babae ng pera ay makakabuti sa pagpapanatili at pagpapalaki ng kayamanan ng pamilya.

At ang ikatlong dahilan ay pagkahilig ng kababaihan sa pagpapalitan at pamamahagi ng impormasyon. Sinabi ng eksperto na madalas nating nakikita ang ilang matatandang babae na, kahit hindi sila magkakilala at nagkasabay lang sila dahil pareho ang dadaanan nila pauwi, ay nag-uusap-usap sa daan at nagpapalitan ng mga impormasyon gaya ng mura ang mga gulay at karne sa isang palengke o maganda ang pakinabang ng financial management project sa isang bangko. Sa pamamagitan ng ganitong paraan, nakukuha ng mga babae ang maraming impormasyon para magtipid sa gastos at dagdagan ang kita. Ito ay makakatulong sa kanilang pamamahala ng pera ng pamilya.

Karaniwan sa Pilipinas na ang babae ang humahawak ng pera ng pamilya, at ganito rin dito sa Tsina. Bakit umiiral ang kalagayang ito, at mayroon bang kahigtan ang kababaihan sa pag-mamanage ng pera? Pag-usapan Natin!

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>