|
||||||||
|
||
Idinaos kamakailan sa Shanghai, lunsod sa silangang Tsina, ang isang espesyal na bangketeng tinatawag na "Dinner in the Sky." Ito ay isang espesyal na bangkete sa himpapawid. Itinaas ng isang malaking kreyn ang isang malaking dinning table na naglalaman ng 22 tao, kasama ng mga panauhin at tatlong hanggang apat na staff na kinabibilangan ng chef at mga weyter sa taas na 50 metro at isisilbi ang mga pagkain sa himpapawid.
Mahal ang bangketeng ito. ang pinakamababang bayad para sa isang tao ay 1888 yuan RMB na katumbas ng mahigit sa 13000 Piso para lamang sa cocktail, at ang pinakamataas na bayad ay 8888 yuan na katumbas ng mahigit 62000 Piso para sa 9-course dinner kasama ng mga inumin. Kaya, tinawag ito ng maraming netizen Tsino na "kaluhuhan ng mga mayayaman." Anila, sa karaniwan dito sa Tsina, kung ang isang bangkete ay nagkakahalaga ng 300 hanggang 500 yuan para sa isang tao, kainaman na ito. Hindi nangangahulugang mas masarap ang mga putahe, kung kakainin ang mga ito sa himpapawid, pero ang bayarin ay mas malaki pa nang kung ilang ulit. Sabi nila ito ay hindi lamang maluho, kundi mapanganib din.
Sa kabilang banda, mayroon ding netizens ang pabor sa bangketeng ito sa himpapawid. Bagama't kakaunti lamang, umiiral pa rin ang ganitong palagay. Sabi nila sa katotohanan, ang Dinner in the Sky ay walang talagang kaugnayan sa pagkain. Ito, sa katotohan, ay hamon sa mga taong mahihilig sa adventure, At para sa ganitong pambihirang karanasan, dapat ay nakahanda kang gumastos at bayaran kung magkano man ang dapat bayaran.
Anu-ano ang masasabi nina Kuya Ramon at Lakay Rhio hinggil sa "Dinner in the Sky." At sa palagay nila, ito ba ay abentura o kaluhuhan? Pag-usapan Natin.
Pag-usapan Natin 20140725
|
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |