Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dana Novales: Indak Pinoy sa Beijing

(GMT+08:00) 2014-08-12 18:16:11       CRI

Namumutiktik sa talento ang mga Pinoy. Kaya di nakapagtataka kung pati dito sa Beijing ay naipamamalas nila ang galing sa sining. Isang 17-year old hip hop at contemporary dancer ang nagtanghal dito sa Beijing kamakailan.

Ang karanasan ni Dana Novales sa pagtatanghal ay singhaba ng kanyang pamamalagi sa Tsina. 10 taon na siya dito sa Beijing. At may isang dekada na rin siyang theatre talent-- umaarte, kumakanta at sumasayaw.

 Si Dana Novales sa Mamma Mia murder mystery charity ball na itinanghal para Migrant Children's Foundation ng Tsina. Gumanap siya ng papel na 'Sophie'.

Sa isang pagtatanghal ng Future Dance Ensemble ng Peking University Institute of World Theatre and Film huling ipinakita ni Dana ang kanyang versatility bilang talent. Ang dance production ay pinamagatang Wild Party.

Dito hindi lang siya stage performer, inatasan din siyang mag-choreograph ng dalawang numbers. At ang "Walk Away" sa Act Two ng Wild Party ay biglaang ipinagawa sa kanya ng Direktor na si Andrew Delo. Nagulat si Dana aniya "I didn't know I was gonna do it on that day. I was very so stressed and had some pressure but in the end it turned out very well." Dagdag niya sa sayaw na ito nais niyang ipakita ang katangian ng mga kalalakihan pagdating sa sensualidad. "(I'd like to show how guys) how they can be rough and how they can be tender loving."

Finale ng bahaging "Sing! Sing! Sing! ng Wild Party

Bukod sa mga theatre projects, abala rin si Dana Novales sa kanyang lingguhang pagtuturo sa Tsinghua International High School. Tuwing Martes, sa Dance Club ng eskwelahan, nagtuturo siya ng lyrical, hip hop, stomp at iba pang uri ng contemporary dance. Kung di kasing edad, mas bata sa kanya ang mga estudyante. Bagamat mula sa ibang lahi, sila'y pinagbubuklod ng kanilang hilig sa pagsayaw. "(Bilang) Choreographer yun ang pinaka gusto kong gawin. Ilove creating dances. I love to teach people dance. It's something I want to do in the future."

Rehearsal ng bahaging "Sing! Sing! Sing! ng Wild Party kasama ang cast na mula sa iba't ibang bansa

Nagsimulang umusbong ang kanyang talento sa teatro sa Beijing Playhouse, pinakamalaking teatro na nagtatanghal sa wikang Ingles. Sa murang edad na 8 taon napili siya para gampanan ang papel na Ghost of Christmas Past. Mula noon tuloy-tuloy na at madalas na siyang lumabas sa mga produksyon ng Beijing Playhouse.

Ang pagtira sa ibang bansa ay di naging madali para kay Dana. Naranasan niya ang diskrimasyon sa eskwelahan. Ang pamilya niya ay di rin nakaligtas sa pagsubok. Naghiwalay ang kanyang mga magulang at ito ay nakaapekto sa kanya.

Si Dana (kaliwa) habang nagtatanghal sa bahaging "Be Italian" ng Wild Party

Ibinahagi ni Dana "That was very challenging para sa amin and para sa akin. During that time I was with Beijing Playhouse so I didn't confront feelings (and kept it to) myself." Payo niya na subukin ang performing arts. "Because I know every teenager out there doesn't show that other side of them. They always show a fake side. So when you do performing arts you get to express your other side. I think its good for you. Express it hindi sa negative way but in a positive way because your performing for an audience."

Maraming pinagdaanan si Dana Novales sa loob ng 10 taon niyang paninirahan sa Beijing. Pero sa kabila nito positibo ang kanyang pagtingin sa hinaharap. Tulad ng normal na teenager puno siya ng pangarap.

"Ghost of Christmas Past" ang kauna-unahang role ni Dana Novales sa Beijing Playhouse production ng  A Christmas Carol. Siya ay 8 taong gulang lamang

Bilang isang manonood tunay na ikinagalak ko ang mapanood sa entablado and 17 anyos na si Dana Novales. Ang makita siyang nakikipagsabayan sa pag-indak kasama ang mga magagaling na dancers mula sa ibat ibang bansa ay tunay na kapuri-puri. Pero nang malaman kong siya ang pinagkatiwalaang lumikha ng isang dance routine na itinanghal ng mas eksperiensyadong mga manananayaw, bilang isang Pinoy, abot langit ang aking galak at talagang lubos ang aking paghanga sa kanyang talento sa pagsasayaw.

PAKINGGAN ang buong panayam sa inyong computer sa pamamagitan ng audio link sa itaas. Para sa maalwang pakikinig siguruhing gumagana ang latest version ng Flash Player sa inyong browser. Para sa iba pang kwento ng OFWs dito sa Tsina punta na sa website na filipino.cri.cn. Mapapakinggan din ang programang ito sa iTunes Podcast, hanapin lang ang Kape't Tsaa. Para makuha ang updates ng mga programa i-Like ang Facebook page na CRI Filipino Service.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>