|
||||||||
|
||
Ruth Novales
|
2005 dumating sa Tsina si Ruth Novales. Siya ay isang guro sa Kindergarden. Kasabay ng pagbubukas ng bagong yugto sa kanyang career bilang educator, sa Beijing muli siyang naakit na pasukin ang mundo ng teatro. Sa mga stageplays ng Beijing Playhouse, isa si Ruth Novales sa mga masigasig na volunteers. Mula 2006 ibinigay niya ang talento at oras sa mga produksyon nito. Matapos ang tatlong taon, inalok siyang subukang tumayo sa entablado, hindi bilang staff, kundi bilang bida sa Broadway musical na "I Do, I Do" na itinanghal ng Beijing Playhouse.
Ruth Novales I Do I DO
|
"I Do, I Do is a play about the marriage of a couple that spanned 50 years from the time na kinasal sila hanggang sa nag retire sila. (I played) Agnes, ang pangalan ng babae sa I Do, I Do, tungkol ito sa adventures niya, yung travails, yung ups and downs ng marriage ang naka-identify ako with that."
Isang eksena sa stage play na "I Do I Do" na pinagbitahan ni Ruth Novales
Mainit na tinanggap sa Beijing ang I Do. I Do. Pera kay Novales pinaka memorable ang gesture ng kanyang 4 na taon gulang na estudyante na lumpit sa kanya matapos ang play.
"After the bows, umakyat siya sa stage may dala siyang bouquet of roses binigay niya sa akin. And then after that she got involved in theatre. Hanggang ngayon involved siya."
Gumanap din si Ruth Novales sa pagtatanghal ng "Mama Mia Murders"
Walang pormal na treatre training si Ruth Novales. Pero likas na hilig niya ang pag-arte, pag-awit at pag-sayaw. Nag-uumapaw din ang kanyang passion para sa stage at dahil dito nasundan pa ng maraming mga pagtatanghal ang I Do. I Do.
Isang tagpo sa musical na "Wild Party" kasama ang mga chorus girls na mula sa iba't ibang bansa
Ngayong 2014, muling napanood ang Pinay teacher-by-day, actress-by-night sa musical na Wild Part. Ang Wild Party ay produksyon ng Future Dance Ensemble ng Peking University Institute of World Theatre and Film. Mula sa ibat-ibang bansa ang mga performers nito, pero sa kanilang lahat isa si Ruth Novales na may bahaging solo.
"I sang the song called Ladies who Lunch. It's about this woman na critical and sarcastic about women of pleasure, yung mga shallow na women. I tried to imagine what the feeling is like, I tried to be the character. I felt so mean!"
Solo ni Ruth sa Wild Party kung saan inawit niya ang "Ladies Who Lunch"
Makulay at masining ang buhay ni Ruth Novales sa Biejing. Alamin ang iba pang mga bagay na kanyang napagtuunan sa kanyang buhay-abroad sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
Ruth Novales (gitna) kasama ang anak na kapwa stage actress na si Dana (kaliwa)
PAKINGGAN ang buong panayam sa inyong computer sa pamamagitan ng audio link sa itaas. Para sa maalwang pakikinig siguruhing gumagana ang latest version ng Flash Player sa inyong browser. Para sa iba pang kwento ng OFWs dito sa Tsina punta na sa website na filipino.cri.cn. Mapapakinggan din ang programang ito sa iTunes Podcast, hanapin lang ang Kape't Tsaa. Para makuha ang updates ng mga programa i-Like ang Facebook page na CRI Filipino Service.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |