|
||||||||
|
||
141120forweb.mp3
|
Tuwing Linggo, alas-tres ng hapon sa Cathedral of the Immaculate Conception makikita si Celia Salcedo Dimatangal na tumutulong sa banal na misa para sa mga dayuhang Katoliko sa Beijing. Marami ang mga Pilipino na aktibo sa simbahan. At isa si Celia sa mga Eucharistic Ministers sa simbahang kilala rin sa tawag na South Cathedral ng Xuanwumen.
Pagdating ng Komunyon, nakakapanibagong makakita ng babaeng nagbibigay ng komunyon. Si Celia, kasama ang iba pang mga Eucharistic Ministers ay may basbas ng simbahan para sa gawaing ito.
Ani Celia, "Wala sa plano o isip ko ang maging lay minister. Masasabi na ito ay isang calling. It was a role na I need to do to feel that we have a true loving God. Kaya I'm so blessed to have this opportunity. It's a gift that I will treasure the rest of my life."
Walong taon na siya sa Tsina. Mula Lunes hanggang Biyernes si Celia Salcedo Dimatangal ay isang executive sa pinakamalaking clothing brand sa Europa na may operations sa China. Pagdating ng Linggo siya ay si Sister Celia – lay minister at church volunteer.
"Wala talagang babaeng Eucharistic or lay minister, karamihan lalaki at lalong wala sa Pilipinas. Sabi nila ok lang dahil talagang kailangan nila. Pati rin sa St. Joseph's Church ng Wangfujing may babae rin na nagbibigay ng Communion. So masasabi na sa China ina-allow nila. I am so blessed to be one of the chosen ones."
Dagdag niya "Sa bawat pagbigay ko ng komuniyon nararamdaman kong tinatanggap din ng mga tao ang Holy Spirit at ang grasya ng Panginoon sa pamamagitan ko. It could be healing, hope, strength, joy and more. It's a great feeling to serve every Sunday. Pag di ako nagsimba parang wala akong lakas sa pang araw-araw kong trabaho sa week ahead. Kaya pag nag serve pa ako ng communion super power na. Kaya I can direct and manage well both business and people around me."
Bilang isang ina hindi biro ang pinagdaanan ni Celia. At ang kanyang karanasan ay minsan na niyang ibinabahagi sa fellowship sa South Cathedral sa Beijing. Ang kanyang kwento ay narinig na ng kapwa mga Tsino at mga dayuhan. At marami sa kanila ang nabigyan ng pag-asa at tulad ni Celia ay di bumitiw sa kanilang pananampalataya.
"Di lahat ng tao na makilala ko I (do a) life testimony. Pero napansin ko na kapag need noong tao ang strength in his or her life nagkakaroon ng way na mashare ko ang naging buhay ko. Makikita ko na lang na lumuluha siya and after noon sasabihin nila na they are more blessed na yung naging life o pinagdaanan nila ay wala sa mga naging hard times ko. Kaya malaking kaginhawaan ang nararamdaman nila at naging way para makatulong sa kanila to be strong and be thankful to God and move on. "
Sa edad na onse anyos dinapuan ng cancer ang ikalawang anak ni Celia. At ang karanasang ito ang itinuturing niyang isa sa pinakamalaking pagsubok sa kanyang buhay at maging sa kanyang pananampalaya. Paano ito hinarap ng pamilya Dimatangal? Alamin ang buong kwento ni Celia Salcedo Dimatangal sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
Sa inyong computer, hintaying bumukas ang audio plug-in sa itaas na bahagi ng artikulo. Para sa iba pang kwento ng OFWs dito sa Tsina pakinggan din ang programang ito sa iTunes Podcast, hanapin lang ang Kape't Tsaa. Para makuha ang updates ng mga programa i-Like ang Facebook page na CRI Filipino Service.
Si Celia kasama ang ibang mga lay ministers na si Kingsley mula Nigeria at kapwa Pilipinong si Warren Palacio
Si Celia, kasama ang mga anak na sina John at Anthony. Nagtapos ng Commerce ang bunsong anak na si John sa Raffles College Design Institute sa Singapore. Samantalang ang panganay na si Anthony naman ay nag-aral sa National Institute of Technology sa Beijing at may degree sa Business Administration.
Si Joseph, ang yumaong anak ni Celia
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |