Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Maagang Pamasko ng Pasuguang Pilipino sa PKU

(GMT+08:00) 2014-12-19 15:29:45       CRI

Isang maagang pamasko ang inihandog ng Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing nitong nakaraang linggo sa Peking University (PKU) School of Foreign Languages Library. Ibinigay bilang donasyon ang ilang mga aklat tungkol sa Pilipinas sa nasabing aklatan.

Isang simple ngunit makabuluhang book donation ceremony ang ginanap sa Peking University (PKU) School of Foreign Languages Library kamakailan.

Mga diplomatang Pilipino, opisyal, guro at mag-aaral ng Peking University na dumalo sa book donation ceremony

Ang School of Foreign Languages Library ay isa sa pinakamalaking aklatan sa PKU. Ang mga libro na ibinigay ng pasuguan ay magiging bahagi ng higit 200,000 reference materials na isinulat sa 22 wika.

Dumalo sa ceremony ang mga opisyal ng Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing sa pangunguna ni Amb. Erlinda F. Basilio. Dumalo rin ang ilang mga faculty at officials tulad nina Prof. Li Yansong, Vice President ng PKU. Prof. Wu JieWei, Dean ng Department of Southeast Asian Studies at mga mag-aaral ng Philippine Studies Section ng naturang pamantasan.

Si Ambassador Erlinda Basilio (kaliwa) at si Prof. Li Yansong, Vice President ng PKU

Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Ambassador Basilio na siya ay matamang naniniwala sa habang-buhay na pagkalap ng kaalaman at ang pagbabasa ay pinaka mainam na paraan para maunawaan ang mga bagay sa buong mundo. Aniya ang mga aklat na alay sa PKU ay likha ng mga tinitingala at premyadong manunulat ng Pilipinas at inaasahan niyang ang mga ito ay makakatulong upang higit na mapalalim ang kaalaman hinggil sa bansa at mga mamamayan nito. Dagdag ng Embahador na Pilipino, sa June 9, 2015 ipagdiriwang ang ika 40 anibersaryo ng relasyong Sino-Pilipino at kanyang inaasahan na mas magiging malapit pa ang ugnayang ito sa susunod na 40 taon.

Mga bagong estudyante ng Philippine Studies ng PKU habang inaawit ang "Bayan Ko"

Ipinahayag naman ni Prof. Li Yansong, Vice President ng PKU ang pasasalamat sa ngalan ng pamantasan. Sinabi niya na ang PKU at ang Pasuguan ay may matingkad na papel sa pagpapalitang pang-edukasyon at kultura ng dalawang bansa. Ibinahagi niyang ang kauna-unahang book donation ng pasuguan ay naganap noong 2011 at ito'y nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan. Ang mga aklat ay nagagamit ng mga mag-aaral, guro at iba pang indibidwal na may interes sa Pilipinas. Hangad niya na ang ganitong programa ay patuloy na lalago kasabay ng pag-unlad ng pagkakaibigang Sino-Pilipino sa hinaharap.

Si Yin Zhiyou, kasalukyang kumukuha ng Philippine Studies sa PKU

Pakinggan po natin ang mga detalye sa programang Mga Pinoy sa Tsina. Para sa iba pang kwento ng OFWs dito sa Tsina hanapin ang programang Kape at Tsaa sa iTunes Podcast. Para makuha ang updates ng mga programa i-Like ang page sa Facebook na CRI Filipino Service.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>