Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Riza de Guzman : Matagumpay na Guro sa Ningbo

(GMT+08:00) 2015-03-25 17:49:27       CRI


Ang Ningbo ay lunsod sa lalawigan ng Zhejiang. Ito ay nasa timog-silangan ng Tsina. Ang Ningbo ay hindi isang mega city tulad ng Beijing o Shanghai. Hindi rin ito tulad ng Xi'an na nangunguna pagdating sa turismo. Pero sa Ningbo, may mga Pilipino na nakahanap ng "greener pastures" Isa na sa rito si Riza de Guzman.

Si Riza de Guzman sa kasalukuyang ay isang English teacher para sa International Baccalaureate Degree ng Huamao Multicultural Education Academy. Sa larangan ng pormal na edukasyon si Riza ay may higit isang dekadang karanasan. Pero di gaya ng ibang teachers na sabak agad sa pagtuturo sa Tsina, kakaiba ang naging career path niya. Ginamit niyang stepping stone ang pagkanta para marating ang trabahong tunay na malapit sa puso niya.

Unang bansang pinuntahan bilang OFW ni Riza ang Tsina. At sa Shanghai nagtrabaho siya bilang singer sa isang hotel noong 2000. Matapos ang dalawang taon, nagdesisyon siyang mag-turo. Sa simula nag-tutor at paglaon ay pumasok na siya sa training center. Ang training center din ang naging daan para madestino siya sa Ningbo. At sa Ningbo nagtuloy-tuloy ang pagyabong ng kanyang karera sa pagtuturo.

May masters degree si Riza sa Linguistics. Pero ayon sa kanya malaki ang naitulong ng kanyang karanasan sa pagkanta sa mga hotel para maging mas maging epektibong guro.

"Noong kumakanta po ako doon po ang time na natutunan ko ang kultura ng mga Tsino, naintindihan ko ang pagkakaiba ng Filipino culture and Chinese culture. Iyong mga natutunan ko noon sa pagkanta nagagamit ko para intindihin ang mga estudyante ko, kung papaano sila mag-isip, kung papaano nila tanggapin yung comments and opinions ng ibang tao."

Isang documentary na ginawa ng Ningbo Local Government ang nagtampok kay Riza de Guzman. Labing-a[at na taon na siyang nagtatrabaho sa Tsina at 10 taon dito ay inilagi niya sa Ningbo. Sa documentary ibinahagi ni Riza ang nasaksihan niyang unti-unting pagbabago ng Ningbo. Sa loob na isang dekada nagkaroon ng mga 5-star hotels, dumami ang malls, naitayo ang malaking komersiyal na gusali – pero sa kabila nito nanatili ang simple at mabagal na takbo ng buhay na nagustuhan at angkop kay Riza.

Aniya, ang Ningbo ang kanyang ikalawang tahanan at para sa kanya lahat ng kailangan niya ay nandito at lahat ng mga kaibigan niya ay nandito rin. Ang documentary ay maituturing ding pagbibigay pugay ng pamahalaang lokal ng Ningbo kay Riza bilang isang dayuhang may nai-ambag sa larangan ng pagtuturo ng Ingles.

Malaki rin ang nai-ambag ng kanyang paninirahan sa abroad sa pagkatao niya. Ani Riza "I grew as a person, I think maraming mga Pilipino think the same way as I do, medyo closed minded tayo. We're a small country, hindi tayo masyadong exposed sa labas at that time. Noong lumabas ako at napunta ako ng China naging broad ang horizons ko mas naintindihan ko ang iba't ibang opinyon ng mga tao. At tsaka mas naging accepting po ako doon sa pagkakaiba."

Plano ni Riza na magtagal pa sa Ningbo. Balak niyang magbukas ng sariling training center, at nawa'y matupad ito sa loob ng susunod na dalawang taon. Ito ang kanyang balak na iambag sa mga taga-Ningbo. "Sana po magkaroon tayo ng more contribution sa China. Sana hindi puro personal lang ang iniisip natin. Sana meron tayong goal na kahit papaano makatulong tayo sa community ng China kasi kung puro personal things lang ang dahilan kung bakit andito tayo hindi po nagiging give and take. So kung take lang tayo ng take wala tayong ibinibigay hindi po yun fair. "

Pakinggan ang iba pang karansan ni Riza de Guzman sa programang Mga Pinoy sa Tsina. Sa inyong computer, hintaying bumukas ang audio plug-in sa itaas na bahagi ng artikulo. Para sa iba pang kwento ng OFWs dito sa Tsina pakinggan din ang programang Kape at Tsaa sa iTunes Podcast. Para makuha ang updates ng mga programa i-Like ang Facebook page na CRI Filipino Service.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>