Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Sindaw Philippines Performing Arts Guild

(GMT+08:00) 2015-04-28 18:36:36       CRI



 

Nakaka-tawag ng pansing kasuotan at nakaka-indayog na awitin, yan ang bumungad sa mga bisita sa katatapos lang na Its More Fun in the Philippines Networking and Dinner Reception na ginanap sa Kerry Hotel Beijing. Layon nitong ipakilala ang mga pangunahing destinasyong panturismo ng bansa sa mga travel operators ng Tsina.

Bahagi ng programa ang pagtatanghal ng mga katutubong awitin at sayaw ng Pilipinas. At para ibida ito, inanayayahan all the way from the Philippines ang Sindaw Philippines Performing Arts Guild. Ang grupo ay madalas na makasama sa mga tourism and cultural promotion sa Tsina.

Bukod sa Beijing narating na ng grupo ang Shanghai, Liaoning, Kunming, Wuhan Guangzhou, Shenzhen at Chongqing.

Ani Randy Guevarra, lider ng Sindaw "Medyo mabigat na responsibilibad ang maging cultural ambassador. Dapat ipakita namin talaga ang kultura ng Pilipinas maipakita namin ng tama para ma encourage silang mag visit sa Pilipinas."

Dagdag ni  Princess Virtudazo, singer ng grupo "Were always proud kasi sadly di na masyadong alam ng mga kabataan ang folk songs natin. Its an honor to bring it back. The main goal of our group is to spread our culture and share it to the world."

Dagdag niya may pagkakatulad ang folk songs ng Tsina at Pilipinas at ang ilang ay natutuhan na nilang kantahin tulad ng Yue Liang Dai Biao Wo De Xin at Mo Li Hua , "Ngayon kami naman ang gustong mag share ng aming nakasanayang songs to the Chinese."

Pakinggan ang buong panayam ni Mac Ramos sa mga miyembro ng Sindaw Philippines Performing Arts Guild sa programang Mga Pinoy sa Tsina.

Mga miyembro ng Sindaw Philippine Performing Arts Guild kasama ang lider nilang si Randy Guevarra (kanan)

Rondalla ng Sindaw

Sina Princess Virtudazo (kanan) at Jean Judith Javier (kaliwa) singers ng Sindaw Philippine Performing Arts Guild

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>