Matatagpuan sa dakong gitna ng Guangzhou ang stone sculpture ng limang kambing. Ang sculpture na ito, na may 11 metro ang taas ay ginawa ng tatlong lokal na sculpture artist, noong taong 1960. Ito ay binubuo ng apat na maliit na kambing sa ibaba, at isang malaking kambing sa itaas. Sa kasalukuyan, ang stone sculpture na ito ang pinaka-namumukod na simbolo ng Guangzhou.
Ayon sa isang alamat, mahigit 800BC ang nakakaran, hindi masagana ang ani ng mga butil sa Guangzhou, at gutom ang mga lokal na residente. Isang araw, sumakay ng limang kambing ang limang immortal, at lumapag sila sa Guangzhou. Sa bibig ng bawat kambing may maraming buto ng mga butil. Ibinigay ng mga immortal ang mga butong ito sa mga lokal na residente, at sinabi sa kanila na "itanim ang mga ito, upang magkaroon ng masaganang ani." Pagkatapos nito, umalis ang mga immortal, pero nanatili ang mga kambing, at naging bato ang mga ito. Isang taon ang lumipas, talagang nagkaroon ng masaganang ani ang mga lokal na residente at nalutas ang kanilang pagkagutom. Simula noon, nagbigay-galang ang mga lokal na residnte sa mga batong kambing, bilang pasasalamat sa mga immortal.
May totoong batayan ang alamat na ito. Noong sinaunang panahon, kung ihahambing sa mga lugar sa gitnang Tsina, uncultivated ang lupain sa Guangzhou sa timog ng bansa, at hindi marunong ang mga lokal na residente sa mga teknolohiyang agrikultural. Kasunod ng paglipat ng maraming tao mula dakong gitna papunta sa Guangzhou, dinala nila ang mga mabuting buto ng mga butil, at ipinasok ang mga maunlad na teknolohiya sa pagtatanim. Kaya, ang stone sculpture ng limang kambing ay nagpapakita, hindi lamang ng hangarin ng mga lokal na residente ng Guangzhou para sa mas masaganang pamumuhay, kundi rin ng kanilang pasasalamat sa mga taong tumulong sa Guangzhou.
May malalimang impluwensiya ang stone sculpture ng limang kambing. Noong 2010, idinaos sa Guangzhou ang ika-16 na Asian Games. Ang emblem ng palarong ito ay naidisenyo batay sa naturang stone sculpture.