|
||||||||
|
||
sw20150626SPT.m4a
|
Mga kaibigan, sa episode na ito ay tungkol sa lunsod ng Xi'an, punong lunsod ng Lalawigang Shaanxi, sa Hilagang Kanlurang bahagi ng Tsina.
Ang Xi'an ay isa sa 6 na malalaking sinaunang kabisera ng Tsina.
Ang mga nito ay Xi'an, Luoyang, Nanjing, Kaifeng, Hangzhou, at Beijing.
"Chang'an Tower"
Ang Xi'an ay ang pinaka-unang kabisera ng bansa, dito rin naghari ang pinakamaraming dinastiya sa pinakamatagal na panahon.
May 10 dinastiyang nagtatag ng kabisera sa Xi'an: Western Zhou Dynasty, Dinastiyang Qin, Western Han Dynasty, Dinastiyang Zhao, Dinastiyang Qianqin, Last Qin Dynasty, Western Wei Dynasty, Northern Zhou Dynasty, Dinastiyang Sui, at Dinastiyang Tang.
"The Xi'an Circumvallation ," pader ng sinaunang lunsod ng
Ang mga terra cotta warrior at mga kabayo ng Unang Emperador ng Tsina na si Qinshihuang, na tinaguriang 8th Wonder of the World ay matatagpuan sa Lintong District ng lunsod ng Xi'an.
Dito, makikita ang mahigit 6,000 terra cotta warrior at kabayo. Ayon sa mga dalubhasa, ito ay maituturing din na isa sa mga pinakadakilang tuklas sa Ika-20 Siglo.
Sa Shaanxi historical museum, maaari ring makita ang mga terra cotta warrior.
Shaanxi historical museum
Mga terra cotta warrior sa loob ng Shaanxi historical museum
Bukod dito'y mayroon pang mga scenic spot at lugar ng historic interest, gaya ng Dayan Tower, Xiaoyan Tower, Xi'an Bell Tower at iba pa. Noong sinaunang panahon, ginamit ang bell tower at drum tower bilang "orasan." Maaaring malaman ng mga tao ang oras sa pamamagitan ng pakikinig sa pagtugtog ng kampana.
"Xi'an Bell Tower"
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |