|
||||||||
|
||
150701mpst.mp3
|
Mga kababayan bukas na ang Sentro Rizal na matatagpuan sa Pasuguan ng Pilipinas dito sa Beijing. Sino mang interesadong manaliksik hinggil sa kasaysayan, kultura, sining at kaalaman sa tradisyong Pilipino ay maaring magtungo rito. Sa episode ng Mga Pinoy sa Tsina ngayong gabi, kinapanayam ni Machelle Ramos si Prof. Antonio Shi, Direktor ng Seksyon ng Philippine Studies ng Peking University at inalam kung paano ito makakatulong sa kanyang pagtuturo.
Dumalo rin sa pagpapasinaya ng Sentro Rizal, na isinabay sa pagdiriwang ng Ika-154 na kaarawan ng Pambansang Bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose P. Rizal ang ilang mga Pinoy scholars sa Beijing. Si Valessa Jane Dulin, ay isang estudyanteng kumukuha ng Ph. D in Higher Education sa Beijing Normal University. Kanyang ini-relate ang aral ni Dr. Rizal na nagpapahalaga sa edukasyon sa kasalukuyang panahon at maging sa estado ng edukasyon sa Pilipinas.
At siyempre, di pwedeng mawala ang eklusibong panayam kay Ambassador Erlinda Basilio. Sinabi niyang laging bukas ang Sentro Rizal para sa mga mag-aaral na Pilipino sa Tsina, upang mapalalim ang kanilang pagkakaunawa sa kanilang inang bayan. At ang repositoryo ay isang paraan rin para maibahagi sa mga kaibigang Tsino ang kaalaman hinggil sa Pilipinas na magpapalakas ng pagkakaunawaan at pagkakaibigan ng mga Pilipino at Tsino.
Pakinggan ang buong panayam sa programang Mga Pinoy sa Tsina ni Machelle Ramos.
Si Prof.Antonio Shi, Direktor ng Seksyon ng Philippine Studies ng Peking University
Si Prof Shi habang ipinapaliwanag ang nilalamang mga aklat ng Sentro Rizal sa mga estudyante ng Peking University.
Si Valessa Jane Dulin, isang candidate ng Ph. D in Higher Education mula sa Beijing Normal University
Sina Valessa Jane Dulin at Li Qingcheng, kaklase at itinuturing na kapatid at katuwang sa thesis defense sa BNU
Si Amb. Basilio
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |