|
||||||||
|
||
Batua Brothers
|
Batua Brothers Ramadan
|
Ramadan Mubarak! Sa buwan ito ginugunita ng mga Muslim ang Ramadan. Habang sumisikat ang araw ay nag-aayuno ang mga Muslim. Ito ay panahon para sa ituon ang sarili sa panalangin at linisin ang lahat ng aspeto ng buhay – pangangatawan, pag-iisip, saloobin at maging ang pakikipagkapwa.
Si Archie Batua
Si Al Batua
Si Tam Batua
Sa episode ng ito ng Mga Pinoy sa Tsina, kinapanayam ni Machelle Ramos sina Archie, Al at Tam Batua – mga Muslim na naninirahan sa Guangzhou, Tsina.
Higit sampung taon na silang naninirahan sa Guangzhou. Ayon sa magkakapatid tanggap na tanggap ng mga taga-rito ang kanilang pagiging Muslim. Sa trabaho, maluwag nilang nagagawa ang mga gawaing panrelihiyon sa panahon ng Ramadan. At ni minsan hindi nakaranas ng ibang pagturing sa mga Tsino at dayuhang nakakasalamuha sa Guangzhou.
Si Mac Ramos, kasama ang Batua brothers
Ngunit iba ang kwento pagdating sa Pilipinas. Sa sariling bayan may ilang beses na nadanas ang diskriminasyon. Sa programang Mga Pinoy sa Tsina, ibinahagi nina Archie, Al at Tam Batua ang ilang insidente ng di maganda ang pagtrato ang kanilang mga saloobin kaharap ng mga isyung nagbibigay ng negatibong imahe sa Islam sa buong mundo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |