Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Rizal Day 2015 sa Beijing

(GMT+08:00) 2016-01-07 14:21:40       CRI


150106taposmpst.mp3

Ipinagdiwang sa Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing kamakailan ang Rizal Day. Bilang pagpupugay nag-alay si Ambassador Erlinda Basilio kasama si Evangeline Ducrocq, Deputy Chief of Mission ng bulaklak sa rebulto ng pambansang bayani. Naging bahagi rin ng aktibidad ang pagbasa ng tulang Sa Kabataang Pilipino ni Jose Rizal.

Ang tula ay binasa ayon sa pagkakasunod sunod nina Ambassador Erlinda Basilio, Evangeline Ducrocq, Lin Zhiyong Peking Unversity Student, Mac Ramos ng CRI, Arlyne Marasigan Beijing Normal University Graduate student, Vic Leviste Agricultural Counselor, Col. Nestor Herico Defense Attache, Malou de Guzman Second Secretary ng Pasuguan at Frank Olea Minister and Consul ng Pasuguan.

Ang tula ay isinulat ni Rizal sa edad na 18 taong gulang lamang habang estudyante sa UST. At ang orihinal na pamagat ng premyadong tula ay A La Juventud Filipina.

SA KABATAANG PILIPINO

Itaas ang iyong noong aliwalas

ngayon, Kabataan ng aking pangarap!

ang aking talino na tanging liwanag

ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas!

Ikaw ay lumitaw, O Katalinuhan

magitang na diwang puno sa isipan

mga puso nami'y sa iyo'y naghihintay

at dalhin mo roon sa kaitaasan.

Bumaba kang taglay ang kagiliw-giliw

na mga silahis ng agham at sining

mga Kabataan, hayo na't lagutin

ang gapos ng iyong diwa at damdamin.

Masdan ang putong na lubhang makinang

sa gitna ng dilim ay matitigan

maalam na kamay, may dakilang alay

sa nagdurusa mong bayang minamahal.

Ikaw na may bagwis ng pakpak na nais

kagyat na lumipad sa tuktok ng langit

paghanapin mo ang malambing na tinig

doon sa Olimpo'y pawang nagsisikap.

Ikaw na ang himig ay lalong mairog

Tulad ni Pilomel na sa luha'y gamot

at mabisang lunas sa dusa't himuntok

ng puso at diwang sakbibi ng lungkot

Ikaw, na ang diwa'y makapangyarihan

matigas na bato'y mabibigyang-buhay

mapagbabago mo alaalang taglay

sa iyo'y nagiging walang kamatayan.

Ikaw, na may diwang inibig ni Apeles

sa wika inamo ni Pebong kay rikit

sa isang kaputol na lonang maliit

ginuhit ang ganda at kulay ng langit.

Humayo ka ngayon, papagningasin mo

ang alab ng iyong isip at talino

maganda mong ngala'y ikalat sa mundo

at ipagsigawan ang dangal ng tao.

Araw na dakila ng ligaya't galak

magsaya ka ngayon, mutyang Pilipinas

purihin ang bayang sa iyo'y lumingap

at siyang nag-akay sa mabuting palad.

Sa episode na ito, pakinggan din ang pahayag ng ilang miyembro ng Philippine China Friendship Club na sina Rofel Nillos. Jordan Sy. Ashley Tan at Mary Gyen Chan hinggil sa kanilang mga di malilimutang aral mula kay Jose Rizal.

Ang buong panayam ay mapapakinggan din sa podcast, hanapin ang Kape't Tsaa at Ilike ang aming Facebook page na CRI Filipino Service .

 

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>