Mga kaibigan, makikita ninyo sa mga litrato ang Tianmen Mountain, na matatagpuan sa Tianmen Mountain National Park, lunsod ng Zhangjiajie, lalawigang Hunan, sa gitna ng Tsina.
May taas na halos 1519 na metro, ang Tianmen Mountain ay kilalang bundok sa Tsina mula noong sinaunang panahon. May salaysay hinggil dito sa dokumentong pangkasaysayan na ginawa noong 263AD.
Kinuha ang mga larawang ito noong ika-26 ng Hunyo, 2016, pagkatapos ng ulan. Pinaliligiran ng ulap ang Tianmen Mountain, na parang lumulutang sa ulap ang bundok.
Mga kaibigan, sa aling anggulo kinuha ang larawang ito ng Tianmen Mountain?