|
||||||||
|
||
spt/sw20150605food.m4a
|
Ang episode na ito ay magpopokus sa tsibog, partikular, tsibog ng probinsyang Guangdong na tinatawag na Cantonese Cuisine. Ang Cantonese Cuisine ay kilala rin bilang Yue Cuisine, at ito ay isa sa 8 pinakamalaking culinary style ng Tsina. Sa 8 ito, ang Cantonese Cuisine ang pinakakilala sa abroad. Ang karamihan sa mga restawran sa ibang bansa na may Chinese flavor ay nagsisilbi ng Cantonese Cuisine.
Ang Cantonese Cuisine ay kilala rin bilang "Cantonese Dimsum." Ang Dimsum naman ay nangangahulugang "snack." Halimbawa, dumpling, siopao, shanghai roll, noodles, matamis na cake, at marami pang iba.
Sa lalawigang Guangdong, ang mga Cantonese Dimsum ay isinisilbi sa mga teahouse. Sa isang typical teahouse ng Guangdong, ang mga Dimsum ay inilalagay sa maliit na bamboo steamer. Iba't ibang uri ng pagkain ang pinapausukan dito, gaya ng meat ball, paa ng manok o adidas, steamed dumpling, at marami pang iba.
Ang tanong, bakit sa teahouse isinisilbi ang mga ito?
Sagot: dahil may isang tradisyon ang mga taga-Guangdong sa pagkain ng mga dimsum sa agahan, kasama ng tsaa sa teahouse. Sa Cantonese, ang pagkain ng agahan ay tinatawag na "jam zou caa," na nangangahulugang "pagkain at pag-inom ng tsaa at meryenda sa umaga."
Ang mga teahouse kung saan isinisilbi ang mga pagkain ay tinatawag na "Cha Can Ting." Sa Wikang Tsino, ito ay nangagnahulugang "tea-restaurant." Ang mga "Cha Can Ting" o "tea-restaurant" ay hindi lamang popular sa Lalawigang Guangdong, kundi sa Hong Kong.
"Gan Bian Niu He" (干煸牛河)o Dry-Fried Beef and Rice Noodles. Ang rice noodles na ito ay tinatawag ding "hor-fun" o shahefen. Wala itong soup.
May iba't ibang uri ng rice noodles sa Tsina, hindi lamang "hor-fun," kundi "mi fen" "mi xian" at "cheong fun."
Sa Guangdong, mayroon ding rice noodle roll, ito ay tinatawag na "cheong fun." Karne at gulay ang nasa loob ng roll.
Mayroon ding kulay pula at purple rice noodle roll.
May isa pang uri ng noodle na kung tawagin ay "Yi Mian" o "e-fu noodles." Sa katunayan, ang "Yi Mian" o "e-fu noodles" ay kamukha ng boiled instant noodles.
Ang typical Cantonese Dimsum ay inilalagay sa maliit na bamboo steamers.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |